ON my way up. See you. Pumitlag ang puso ni Maki nang matanggap ang text message ni Benedikt. Pinunasan niya ng tissue ang gilid ng china bowl na may beef stew na niluto niya. Ipinaling niya iyon ng bahagya para maging maganda ang pagkakalagay sa mesa. Inayos niya nang bahagya ang rosas na nasa plorera sa gitna ng pera. Nang matiyak na perpekto na ang lahat ayon sa gusto niya. Saka lang niya sinindihan ang kandila. Hinubad din niya ang apron kaya nakita ang bagong dress na kasabay niyang binili nang mag-shopping silang mag-ina. “I am home!” sigaw ni Benedikt nang pumasok ng condo. “Dinner is ready,” anunsiyo niya. Parang napaka-natural na sabihin niya iyon. Na parang mag-asawa na sila. Nakadama siya ng bigat sa dibdib niya subalit pinalis niya iyon. Espesyal ang gabing ito para sa kanil

