Chapter 7

2297 Words

"Masakit pa rin ba?" malumanay na tanong ni Benedikt habang dinadampian ng bulsa de yelo ang pisngi ni Maki na sinampal ni Santina. Idinala siya nito sa isang café na di kalayuan sa ospital. Dumating ang sekretarya nito kaya may kasamang magbabantay si Teresina kay Malvar. Nasa isang mesa siya sa sulok kung saan may privacy sila. Kumikirot-kirot pa rin iyon at pakiramdam niya ay nakabaon na ang palad ni Santina sa kamay niya. Tiyak niyang magkukulay ube iyon. Umaalingawngaw pa rin ang tainga niya sa lakas ng sampal. "Sanay na ako,” mahina niyang usal at naalala niya kung paano siya nitong saktan sa kaunting pagkakamali mula noong bata pa siya. Ang mga pingot at sabunot na di nito ipinapakita sa ama niya. Ngayon lang na sa pampublikong lugar siya nito sinaktan at sa pagkakataong ito ay ala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD