Chapter 8

633 Words

KUMATOK muna si Maki sa pinto ng hospital suite ni Malvar bago iyon binuksan. May dala siyang basket ng prutas at ang bagong release na libro ng paborito nitong economist. Ayon kay Benedikt ay gising na ito subalit hindi pa rin mailalabas ng ospital dahil kailangan pa itong obserbahan. Makulit daw kasi ito dahil gusto nang bumalik sa trabaho. Marahan siyang pumasok pero nakakatatlong hakbang pa lang siya nang harangin siya ni Teresina. "Anong ginagawa mo dito?" nakataas ang kilay nitong tanong. “Wala si Benedikt dito ngayon. Makakaalis ka na.” Isa sa dahilan kung bakit ayaw niyang dumalaw sa ospital ay baka makaharap niya ito. Mabait naman sa kanya si Teresina pero alam niyang kakaiba din itong magalit lalo na’t kaya nitong makipagsabayan ng katarayan kay Santina. Alam niyang malupit it

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD