“May early morning flight sa December 21. Okay na ba iyon? Ipapa-book na ni Tricia.” Bumuntong-hininga si Maki at pinagmasdan ang nobyo na kausap niya sa Skype. "I am not sure, Benedikt. Hindi pa ako makakasagot ngayon." Tuwing gabi ang video chat nila pero sa partikular na gabi na iyon ay late na itong nag-log in dahil sa isang business meeting kasama si Hannah. Kaya niyang tiisin ang presensiya ni Hannah sa buhay ng nobyo niya at ang lahat ng tsismis na kaakibat nito. Sanay na siya. Pero ang di yata niya kaya ay ang lumuwas na naman sa Maynila para makiharap sa mga kakilala ni Benedikt. Maisip lang niya na dadalo na naman siya sa magagarbong party ng alta sociedad at kailangan niyang ngumiti lang habang minamaliit siya ng mga ito ay nakakapagod na. "Maki, what is holding you back? Ala

