Makulay ang paligid ni Maki at masaya ang lahat lalo na ang mga bata. Malapit na ang Pasko at sa isang araw na ang Christmas party. Subalit walang naramdaman si Maki kundi pagod at lungkot. Wala siyang nakikitang kulay sa paligid niya. Wala siyang excitement na nararamdaman gaya dati kapag nakakarinig siya ng masasayang awiting Pamasko o nakakakita ng Christmas décor. Dati ay may oras pa siya para tingnan ang kasiyahan sa paligid niya. Matapos mamili ng regalo para sa mga estudyante at kasamahan niya sa trabaho ay nagmamadali siyang umuwi. Hindi pa siya sinasapian ng Christmas spirit. Parang pagod na pagod siya. Nang dumating siya ay sinalubong agad siya ni Ponyang. “Ate, ano ba naman ang itsura mo? Para kang zombie. Hindi ka na fresh.” “Pagod ako,” nasabi lang niya at ibinigay ang pi

