“Anak natin? Kailan mo pa naging anak ang anak ko Troy? At kailan ka ba naging Ama sa kanya? Nakalimutan mo na ba kung paano mo tinalikuran noon.” Sumbat ni Sam sa kanya. Hindi niya akalain na pupunta pa pala ito dito para lang kausapin niya. At hindi niya rin alam kung kanino nito nalaman kung nasaan siya nakatira ngayon. “I’m sorry, mga bata pa kasi tayo noon at nag-aaral. Hindi ko kayang panagutan ka noon dahil may mabigat din akong responsibilidad sa aking pamilya. And besides, hinanap kita noong naka-graduate na ako ng college pero hindi na kita nakita ulit.” “Sinungaling! Mas mabuti pang umalis ka na Troy! Hindi ako papayag na bumalik ka sa buhay ko. Mas lalong hindi ako papayag na kilalanin kang ama ng anak ko. Kaya umalis ka na!” Sigaw ni Sam sa kanya. “I’m really sorry Sam, I

