Chapter 18

1451 Words

“Saan tayo pupunta?” Tanong ni Sam sa kanya matapos siyang abutan ng malaking paper bag. “Suotin mo yan bukas, magpapakasal na tayo.” “Ano?!” Nagulat siya sa sinabi nito kaya napaghampas siya ng kamay ni Sam. Kaka-akyat lang kasi nila dahil katatapos lang ng office hours. Magbibihis na sana siya pero bigla itong kumatok sa pintuan niya. “Pag nagulat kaylangan manakit? Hindi pa nga tayo nagiging mag-asawa battered husband na agad ako?” Reklamo nito habang hinihimas ang matigas na braso na hinampas niya. Nag-init ang pisngi niya dahil sa sinabi nito kaya nag-iwas siya ng tingin kay Bernard. Kunwari’y sinisilip niya ang laman ng paper bag dahil imposible naman na wedding gown ang laman noon. “Bakit namumula ka? Kinikilig ka sa banat ko ano?” “Sir, kung banatan kaya kita ng tuluyan?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD