Bernard’s POV Papunta pa lang kami sa Van dinig ko na ang pagtatalo ng mga girls assassin na kasama nila Xandro sa papunta dito. Kung hindi namin pinasundan ang galaw ni Trixie. Hindi namin malalaman ang gagawin nitong pagpapahirap kay Sam bago patayin. Mabuti na lamang din at magagaling ang mga kaibigan ni Xandro. “Yun na yun? Akala ko Malalakas ang mga pugot na dilang mga yan. Ni hindi man lang pinagpawisan ang singit ko!” Reklamo ni Keyla. “Eh, paano pagpapawisan ang singit mo isa lang naman ang pinatay mo binaril mo pa agad.” Litanya naman ni Riya na isang pulis. “Paano din naman kasi inubos na ni Luna. Akala ko naman may back -up pa. Mas malala nga si Sol at nakatingin lang kay Luna habang naglalaro lang eh!” Dagdag na reklamo pa ni Keyla. Napangisi si Luna habang pinupunasan an

