Sam’s POV After two hours ng pagkain namin ay mahimbing naring natutulog si Calix. Nakatitig lang ako sa kanya dahil hindi pa rin ako makapaniwala na nakaligtas kami sa bingit ng kamatayan. Hindi ko akalain na may taong kayang gumawa ng masama para makuha lang ang isang bagay na hinahangad nila. Hindi ako makapaniwala na may babaeng kayang gawan ng masama ang kapwa nila babae para makuha ang gusto nila sa ganong paraan. Napakadami ng nangyari sa araw na ito. Sa isang araw mare-realize mo na maiksi lang ang buhay ng tao. Pwede kang mamatay kahit na anong oras. Nakakatakot ang pinagdaanan namin sa kamay ni Trixie. Pakiramdam ko naiiwan pa rin ang kilabot sa katawan ko. Naalala ko pa din ang ginawa ng lalaking yun kanina. Kapag pumipikit ako nakikita ko parin ang nakakatakot niyang mukha.

