Bernard’s POV “f**k you Troy!” Kaagad akong nagtungo sa bahay niya nang makita ko ang CCTV na pina-rewind ko pa sa simula kahapon sa operator nito nang umalis si Sam. At nakita ko doon ang ginawang paglabas ni Sam sa building suot ang utility outfit para makalabas at nilagay pa nito ang kanyang mga gamit sa itim na garbage bag pagkatapos ay dumaan sa likuran ng building. Sa isang kuha naman ng CCTV sa likurang bahagi ay kitang-kita ko ang pagsundo ng kotse nito sa kanya. Kaya kaagad akong napasugod sa bahay niya. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Hindi ko alam kung saan ako unang pupunta para makita siya. Pero sa ngayon ay isa lang ang tumatakbo sa isip ko. Maaring may kinalaman na naman si Troy dito. Ngayon na alam na ni Sam ang lahat sigurado akong matindi na ang galit niya sa ak

