Bernard’s POV Kapapasok ko pa lamang sa malaking gate ng bahay niya ay sinalubong na ako ng sampung armadong lalaki. Sanay na ako sa ganitong set-up ng bahay ni Xandro. Ikaw ba naman ang maging leader ng isang dark underground society ay pupunuin mo talaga ng tauhan ang loob ng bahay mo. Lately kasi ay marami na rin itong mga nakakaaway lalo na nang dumagdag sa problema niya si Inigo. Kung saan nakaaway ang isang malaking personalidad na dumukot kay Rylee noon. Kaya siguro mas mahigpit na ang seguridad nila. “Hinayaan nila akong makapasok nang hindi binubuksan ang bintana at likuran ng aking kotse. Alam na kasi nilang isa ako sa malaya at pwedeng makapasok sa malaking bahay niya. Bukod sa sampung security sa gate ay mas marami naman dito sa loob ng kanyang bakuran. Mataas din ang pader

