Sam’s POV Bigo man ako sa naging pangarap ko alam ko may opportunidad parin na darating para sa akin. Kung hindi dahil sa tulong ni Troy hindi ako makakauwi dito. Ginamit ko ang natitira kong pera at sa tulong na rin niya para makalipat kami ng lugar nang sa ganun ay hindi na niya kami makita pa. Inalok pa niya akong tumira sa condominuim at isama ko ang aking pamilya pati narin magandang trabaho pero hindi ako pumayag. Hindi kasi ganun kadali ang tangapin ang lahat. Ang masakit pinaniwalaan kong siya ang Ama ng anak ko. Ipinagdiinan ko ang sarili ko sa kanya at matagal kong tinanim ang galit sa puso ko sa pagaakalang siya ang Ama ni Calix. Ang nanamantala sa akin. Yun pala ang walang hiyang pinsan nito na boyfriend ng kaibigan ni Troy at may-ari ng bahay na pinuntahan namin. Hinding-hi

