Sam’s POV “Anong ibig niyang sabihin Samantha?” Mula kay Bernard ay napatingin ako sa mga magulang ko. Dahil sa bugso ng damdamin ko ay nakalimutan ko nang nagiintay nga pala ako ng tamang pagkakataon para sabihin sa kanila ang totoo. Pero sa halip ganito ang nangyari. “Totoo ba ang sinasabi niya?” Ulit na tanong ni Itay naguguluhan na tumingin sa akin si Inay. “Tay, Nay h-hindi po si Troy ang Ama ni Calix…si Bernard po…” Nakayukong sambit ko sa kanya. “Anong ibig mong sabihin? Hindi mo alam na hindi si Troy ang Ama? At paano nangyari ito?” Naguguluhang tanong ni Itay sa akin. “Tell me you’re lying Bernard! Paano naging ikaw ang Ama ng batang yan?!” Sigaw naman ni Trixie habang matalim ang mga matang tumingin sa amin. Imbis na sagutin niya si Trixie ay lumapit siya sa amin. “T

