Third person’s POV “Tignan mo nga naman, pagkatapos akong bulabugin ng hating gabi. Inubos pa ang mga bagong dating at mamahalin ‘kong mga alak.” Bulong ni Xandro habang pinagmamasdan niya ang tulog na tulog pa ring si Bernard. Dumating kasi ito kagabi at lasing na lasing. Akala niya ay galing ito sa underground black belting fight dahil namamaga ang ilong at putok pa ang nguso nito. Hindi pa nakuntento ay inubos pa nito ang mga stocked niyang alak. Aalis na sana siya para iwan sa sala ang kanyang kaibigan nang makita niyang umiilaw ang phone nito sa ibabaw ng mesa. Kaya walang pagdadalawang isip na sinagot niya ang tawag mula sa unknown number. “Hello?” “B-boss! Ni-lusob kami! A-ako na lang ang na-tira. May tama ang Itay ni Ma’am at dinala nila si Ma’am Samantha pati ang anak niyo!”

