Sam’s POV Napangiwi ako nang maramdaman ko ang noo. Agad akong napabalikwas ng bangon nang maalala ko ang mga nangyari. Hindi ko alam kung nasaan ako dahil malawak na kakahuyan ang bumungad sa akin. Nasaan ako? Nasaan ang anak ko? Si Itay? Si Inay? Pinahid ko ang tuyong dugo sa aking noo. Inilibot ko ang aking tingin pero wala akong makita kahit isang tao. Nakatali ako sa malaking puno. Maluwag ang pagkakatali nito kaya kayang-kaya ko siyang tangalin. Inumpisahan kong luwagan pa ang tali. Kailangan kong makatakas dito. Kailangan kong mahanap si Calix. Nasisiguro kong nasa malapit lang sila. “Ops! Wag mong tatangalin yan.” Nakangising sabi ng isang nakakatakot na lalaki. “Sino ka? Nasaan ang anak ko? Anong ginawa niyo sa kanya? Anong kasalanan ko sa inyo?!” Tumatangis na sigaw ko sa

