Nakangiting pinagmasdan ni Sam ang sarili sa harapan ng salamin ito kasi ang unang beses na nakapagsuot siya ng magarang bestida. At talagang bumagay ito sa kanya. Masaya na sana siya sa takbo ng buhay niya ngayon, kung hindi dahil sa nangyari kanina. Napabuntong-hininga siya at hinubad ulit ang damit na sinukat niya para sana suotin bukas ng gabi. Hindi niya kasi makuhang magsaya pagkatapos ng nangyari sa pagitan nila kanina. Nag-aalala siyang baka magalit si Bernard, pero ang pinaka-ayaw niyang mangyari ay tangalin siya nito sa trabaho. Lalo na’t nang dahil sa isang bagay na hinding-hindi niya magagawa. Oo, napipikon na siya sa kamalditahan ng babaeng yun. Pero hindi naman niya magagawang saktan ito. Lalo pa’t alam niyang tuldok lamang ang pagkatao niya kaysa kay Trixie at wala siya

