Pagkatapos na maayos ni Sam ang mga bulaklak sa ibabaw ng side table niya ay lumabas na rin siya sa kwarto. Sabay pa silang nagbukas ni Bernard ng pinto kaya nagtama agad ang mata nilang dalawa. Sa totoo lang ay kinakabahan si Sam sa kung ano man ang pag-uusapan nilang dalawa ngayong gabi. Nilakasan na lamang niya ang loob niyang humarap dito dahil nagugutom na talaga siya. “Let’s eat.” Nakangiting sabi nito sa kanya. Parang may kakaiba sa mga tingin nito. Nagmadali niyang iniwas ang tingin niya at sinara ang pinto. Ipinaghila pa siya ng upuan nito nang makarating sila sa dining area. “Thank you po.” Nahihiyang sabi ni Sam sa kanya. “Wow, mukhang masarap itong niluto mo ah?” Tanong sa kanya nito nang buksan ang ceramic na lagayan ng ulam. Tipid na ngumiti lang si Sam nang bigla s

