Walang tigil ang kaba niya nang alalayan na siyang makasakay sa chopper ni Bernard. Bukod sa pagiging claustrophobic niya ay natatakot din siya sa heights kaya nang mag-umpisang lumipad ang chopper ay wala siyang ibang ginawa kundi ang mariin na ipikit ang mga mata. Hindi niya maiwasan na makaramdam ng takot lalo pa’t ito ang unang beses na gagawin niya ito. “Hey, bakit ganyan ang itsura mo? Are you okay? Tignan mo ang paligid sobrang ganda ng mga ilaw mula sa ibaba.” Wika nito sa kanya pero hindi pa rin siya dumidilat. “Sir, gaano ba tayo katagal bago bumaba dito? Bakit hindi pa tayo mag kotse na lang para mas safe.” Reklamo niya dito habang pikit parin ang mga mata. Narinig pa niya ang impit na tawa nito. “Natatakot ka parin? Hawak mo na nga ang kamay ko.” Napadilat siya sa sinab

