Hindi makapaniwala si Sam na sa maiksing panahon na nakasama niya si Bernard ay magkakaroon na agad ito ng pagtingin sa kanya. At hindi rin niya akalain na gagawin ito lahat ni Bernard para sa kanya. Pangarap niya lang kasi dati ay makapagtrabaho lang sa kompaniya nito. Pero lalaking nakikita niya lang noon sa billboard at hinahangaan niya ay kasama niya ngayon dito sa malaki at napakamahal nitong yate. Tanaw din mula sa yate ang maputing buhangin mula sa resort dahil sa sinag na nagmumula sa malaking buwan. Masarap din ang simoy ng hangin dito at katamtaman lang ang lamig sa balat. Bukod sa mga malalaking establishment na nakikita niya sa resort sa di kalayuan ay wala na siyang ibang nakikitang mga tao sa paligid. Siguro ay dahil malapit nang maghating-gabi. Pero silang dalawa ngayo

