Nanlaki ang mata ni Sam at napabalikwas ng bangon nang makita niyang nasa hindi siya pamilyar na lugar. Inikot niya ang kanyang mata sa loob ng kwarto. Bukod sa malaking kama na hinihigaan niya ay may bintana din siyang nakita. Nagmadali siyang lumapit dito pero laking gulat niya nang na dagat parin ang kanyang natatanaw sa labas. “Good morning!” “Ay Ot*n!” Gulat niya nang marinig niya ang baritono pero malambing na boses ni Bernard. “Ganyan ka ba talaga pag nagugulat? Kung ano-ano ang lumalabas sa bibig mo?” Kunot noo na tanong nito sa kanya. “S-Sir, ano pong nangyari kagabi? Ibig sabihin nandito parin tayo sa yate?” Hindi makapaniwalang tanong niya dito. Pilit niyang inalala ang nangyari kagabi. At napahawak pa siya sa kanyang sintido. “Hindi mo alam ang nangyari kagabi?” Nakata

