“Ang sarap nitong crab.” Pagdadahilan ni Sam. Para mailigaw sana ang usapan pero nanatiling nakatingin sa kanya si Bernard. “I heard you.” Sambit nito. At hindi pa nito inaalis ang tingin nito sa kanya. “Kahit naman siguro sinong babae. Hahanga sa mga kagaya niyo.” Katwiran ni Sam. “Hindi yan ang gusto kong marinig. You said earlier na hinahangaan mo ako noon pa. So you mean may gusto ka na sa akin noon pa? Kaya ba nakiusap ka sa kay Aling Esme na ipasok kita dito? Matagal mo na ba akong gusto?” Kunot noo na tanong nito sa kanya. Nagulat si Sam dahil ang bilis napagtahi-tahi ni Bernard ang lahat. Pero hindi naman niya intensyon na magkagusto maliban sa paghanga. Alam niyang trabaho lang talaga ang ipinunta niya roon. “Ang paghanga at ang gusto ay magkaiba po yun. Isa pa hindi naman y

