Bernard’s POV Pagkalapag ng chopper sa rooftop kung saan dinala si Mom ay bumaba na agad ako. Hinanap ko ang room number kung saan ito inilipat. Mataas daw kasi ang dugo nito kaya agad nilang isinugod sa Hospital. Pagkarating ko sa second floor ay nakita ko agad si Dad na kakalabas lamang ng kwarto. “Dad? How’s Mom?” “She’s okay, kakatulog lang niya ulit. Mabuti na lamang at naagapan kung hindi baka na-stroke na ang Mommy mo.” Saad niya. Sumilip ako at nakita ko ang mapayang pagtulog ni Mommy. Umupo kami ni Dad sa harapan ng kwarto niya para hindi namin siya maabala. “Dad, bakit hindi na lang tayo kumuha ng private nurse ni Mommy na pwedeng magbantay sa kanya.” “I’m working on it Son, we both know naman na hindi na kami bumabata ng Mommy mo. Isa pa, magpakasal na kayo ni Trixie

