Ilang taon, ilang taon kong kinimkim ang sama ng loob ko para sa isang tao. Sa pag-aakalang siya ang ama ng anak ko. Sa pag-aakalang siya ang nanamantala sa akin noong gabing yun. Sa pag-aakalang siya ang lalaking tumalikod sa akin noon ng mga panahon na kailangang-kailangan ko siya sa tabi ko. Kailangan namin siya ng anak ko. Pero nang dahil sa palatandaan nagbago ang lahat at naging kasinungalingan pa ito. Kung hindi pala siya ang gumawa sa akin noon. Bakit siya ang nadatnan ko sa aking kwarto? Bakit hindi niya sinabi sa akin ang totoo? At ano ba talaga ang nangyari noong gabing yun? Kung tama ang hinala ko paanong mapupunta doon si Bernard? Magulo pa rin ang isip ko. Kung totoong si Bernard nga yun ibig bang sabihin ay alam niyang ako ang babaeng pinagsamantalahan niya noon dahil sa k

