“Sana naman may maligaw na tao at marinig tayo, Geng,” hiling ni Ikay habang magkasama silang nagtatago ni Geng sa matataas na damuhan. Kalat na ang liwanag kaya naman kitang-kita na nila ang lugar na pinagdalhan sa kanila ni Rigor. Isang malawak na lupain ngunit napupuno ng mga nagtataasang damong ligaw at kung anong mga halaman. Ang bakod na gawa sa barb wire ay mataas bukod pa sa makapal ang pagkakabakod ng barb wire. Kaya naman talagang malalbong makalabas silang dalawang magkaibigan pwera na lang kung may dala silang gamit para putulin ang barb wire. “Hindi tayo pwedeng sumuko, Ikay. Maghanap tayo ng puno na pwedeng akyatan na malapit sa bakod. At mula roon ay aakyat tayo at tatalon s sa kabila. Kahit anong mangyari ay dapat makatakas tayo,” buong ang loob na sambit ni Geng at saka

