“Mga lintik!” sigaw ni Rigor ng marinig ang ingay ng mga taong paparating sa kanyang bakuran. “Punyetang mga babaeng to! Pinahamak na naman ako!” galit na galit pang sabi ni Rigor na hindi malaman na kung anong gagawin. Kung babalikan pa ba ang mga babaeng nais patayin o tatakas na para iligtas ang sarili kaya naman pinili niya ang huli. Nagmamadali si Rigor na tumakbo sa likod ng kanyang bakuran para buksan ang isang maliit na gate at doon siya malayang makakaraan patungo sa masukal na kagubatan. “Mga bobo! Akala niyo siguro ay ganun niyo na lamang ako ang kadali na mahuhuli! Nakatakas nga ako sa bilangguan na mahigpit ang pagbabantay sa inyo pa kayanga mga pipitsuging mga tangan nilalang!” paghamak pa ni Rigor sa mga taong humahabol para hulihin siya. “Bukas ang maliit na gate! Papunt

