“Mga siraulo! Ang lalakas na naman ng mga loob na magsisugod sa bahay ko para komprontahin na naman ako ng wala naman silang mga ebidendyang dala at ipamumukha sa akin,” asik ni Rigor ng makaalis na ang pamilya ni Maricel sa harap ng kanyang bahay. “Lintik kang, Maricel ka! Ang galing mo naman para ipagdiinan ako kahit wala ka namang ebidensya na narito ang elepante mong pinsan,” bulong pa ni Rigor na inis na inis kay Maricel dahil tiyak ang babae ang may pasimuno para hikayatin ang kanyang mga kamag-anak at puntahan siya. Tama naman na nasa kanya ang cellphone na gamit ni Marie at siya ang sumasagot sa mga chat na natatanggap ng cellphone. Pero pinatay niya na ang gadget lalo pa at ilang ulit na tumatawag si Maricel at gustong makipag video call sa kanya. Kaya sinira at itinapon na ni

