Chapter 1
The Guy I love by:EL.WriterAtHeart
chapter 1
Samantha
Unang araw ngayon ng pasukan sa kolehiyo, excited ako at the same time ay kinakabahan din dahil bago sa akin ang ganito. Malayo ako sa magulang ko dahil sila ay kasalukuyang naninirahan sa probinsya at lumuwas lang ako sa maynila upang dito mag-aral ng kolehiyo sa paaralan kung saan nag-apply ako ng scholarship.
Sabi nila kapag kolehiyo kana dito ka makakakilala ng mga taong pwede mo maging kaibigan at masasandalan sa oras ng pangangailangan.
Dito rin daw mae-expirience ang iba’t ibang activities at pwede karin sumali sa school clubs.
Hindi ako sa aming bayan pumasok ng kolehiyo dahil tinulungan ako ng mommy ni Cedrick na si Tita Cynthia upang magkaroon ng scholarship sa paaralan na papasukan rin ni Cedrick. Nabanggit sa akin ni Tita Cynthia na nais daw ni Cedrick na sa iisang paaralan kami pumasok.
Noong una ay hindi ko nais ang ideya dahil maiiwan ang inay sa probinsya ngunit nang sabihin sa akin ni Tita Cynthia na sa kanilang mansion na muna titira ang ina ay napanatag ang akin kalooban.
Nang mag-offer si Tita Cynthia na tumira ako sa isa sa condo na hawak nila dito sa maynilaa y hindi na ako pumayad. Sa mismong dormitory ng paaralang papasukan namin ako tutuloy at sumang-ayon naman doon si Cedrick.
Cafeteria
Narito kami ngayon ni Cedrick sa cafeteria ng school kung saan kami kasalukuyang kumakain ng tanghalian. Hindi kami classmate pro lagi kami magkasama dahil sa bata palang kami magkakilla na kami at the same time suplado si Cedrick pgdating sa ibag babae.
“Ano ba kasi ‘yon Cedrick? Kanina ka pa, we are eating diba? Hindi na ba makakapaghintay ‘yang sasabihin mo at kinukulit mo ako?” sabi ko sa kaniya.
“Hindi na kasi Sam, gusto ko na sabihin habang dalawa lang tayo, mamaya kasi may klase na naman hindi ko na naman masasabi sayo.” Sabi ni Cedrick.
“Okay spill! Ano ba kasi ‘yon at hindi ka na makapghintay?” tanong ko naman sa kaniya.
“Sam, we have known each other since we were 5 diba? hindi man tayo nagkakasama kasi sa magkaibang eskwelahan tayo pumapasok lagi mo naman ako nakikita at ganon din naman ako sayo.” Sabi niya.
Hindi ko maintindihan ang nais niyang iparating.
“Ano ba kasi yon at pati ‘yang nakaraan sinasabi mo? Sabihin mo na kasi may gagawin pa ho ako.” Sabi ko naman sa kaniya.
Deep inside kinakabahan na ako kasi baka kung anong sabihin ni Cedrick sakin
“Sam kasi alam kong ayaw ng magulang ko sa ‘yo kasi iniisip nila mayaman kami at mahirap lang kayo, kaya lang kasi ang hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon kaaway parin ang tingin mo sakin.” Sabi niya sa akin.
Hindi ko inaasahan ang sinabi niyang iyon.
“Alam mo, Cedy ikaw lang naman ang nagiisip niyan up until now na you’re my enemy, ano ka ba ilang taon tayo magsasama kasi parehas na tayo ng pinapasukang eskwelahan, parehas na tayong college student, tigilan mo kung ano ‘yang iniisip mo, nako!” sabi ko sa kaniya.
Habang sinasabi sa akin ni Cedrick ‘yan ramdam ko iyong frustrations niya, siya lang naman kasi ang nag-iisip ng ganoon.
“Hindi na kasi kita maintindihan Sam, ano ba kasing nagawa ko sa ‘yo at hanggang ngayon pinaparamdam mo pa din sa akin iyong galit mo? Sa pagkakaalam ko naman wala akong nagawang malaking kasalanan sayo.” Sabi niya.
Nais kong umirap nang marinig iyon.
“Bakit, Cedy sigurado kaba na wala kang nagawang kasalanan sakin ha? Magiging ganito ba ako sa tingin mo kung wala? ‘Yan ang hirap sayo! Masyado ka kasing self-centered, bahala ka aalis na ako nawalan na ako ng gana kumain dahil sayo!” sabi ko at iniwan siya sa cafeteria.
Napabuntong hininga ako nang maalala ang nangyari 6 years ago.
“Cedy malapit na tayo gumraduate ng high school, anong plano mo after? Work ba agad?
‘Hindi ko alam Sam, but knowing dad sabi niya sakin papasok narin agad ako sa company.
Masyado ako napapaisip sa mga bagay bagay lately, si Cedrick matagal ko nang mahal ‘yan, alam ko sa sarili ko na iyong paghanga ko sa kaniya noon ay mauuwi sa pagmamahal. Naging aware ako sa nararamdaman ko sa kaniya kahit hindi ko ipinapakita kaya hindi din niya alam. Dahil na rin siguro sa dami nang nagkakagusto sa kaniya alam kong hindi na niya ako mapapansin, hindi ako maganda sadyang mabait lang talaga ako pero hindi naman sapat ang bait kung ang gwapo naman ng nagugustuhan mo.
Naging mag bestfriends kami talaga kami highschool days,pero dahil narin sa parehas kami busy noon sap ag-aaral halos hindi narin kami nagkikita at ngkakasama, marami din nagtatanong sa kanya noon kung bakit marami naman daw magagandang babae sa campus pero bakit ako yung lagi niya kasama.
Kahit ako hindi ko rin alam kung bakit sa akin lang sya sumasama at hindi sa iba. Kung tutuutin hindi naman nako bata para bantayan at alagaan niya.
"Spacing out again Sam? Napapadalas na yan, care to share?”
“No need ano ka ba, may biglang pumasok lang sa isip ko kaya ganon.” Then I smiled at him.
“Weird but okay then, if there’s a problem just tell me okay I’m very much wiling to help you”
‘Thankyou Cedy,appreciated, by the way maaga ako uuwi ngayon kasi maaga ako pinapauwi ni nanay kaya baka hindi kita masamahan mamaya sa library pasensya kana.”
“It’s okay. Pahatid nalang kita kay kuya danny para makauwi ka ng safe and he gave me a peck on my cheek.”
“Thanks cedy, pano una nako sayo may klase pa kasi ako.”
“No problem, sige may klase narin ako eh.”
Umuwi na lang ako nang araw na iyon at hindi na lang inisip ang naging pag-uusap namin ni Cedrick. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa ng libro sa tinutuluyan kong bahay hanggang sa hindi ko namalayan ang oras at nakatulog na ako. Paggising ko ay umaga na. Kaya’t dali-dali akong naligo at gumayak para pumunta ng school.
Araw ng lunes ngayon, papasok na ko sa campus. Habang naglalakad hindi ko maiwasan tumingin sa paligid dahil kahit mataagal nako nag-aaral dito naaamaze parin ako dahil sa ganda ng matataas na puno na halos araw-araw nakikita ko, nakikita ko yung mga ibong masayang lumilipad at tila ba kumakanta ang tinig nila sa tenga ko. Masarap lang sa pakiramdam na kapag gusto ko magpahinga at pagod nako mag-aral ipinipikit ko lang ang mata ko pinapakiramdaman ko ang hangin na dumadampi sa balat ko tapos magiging okay nako.
Araw-araw subsob ako sa pag-aaral dahil nga sa hindi kami mayaman at nag-iisa akong anak, kailangan ko mag-aral Mabuti kung gusto ko makatulong at maiahon sa hirap ang pamilya ko. My lola told me once ‘apo kahit anong mangyari pag-igihin mo ang pag-aaral mo dahil wala mang yaman ang magulang mo na pwedeng ipamana sayo atleast yang makapagtapos ka lang sa pag-aaral ang maipamana sayo kaya wag mo sila bibiguin at sayo lang nakasalalay ang pag-ahon ng buhay nyo’. Kaya simula noon nagsisikap ako sa pag-aaral para matupad ang hiling sakin ng lola ko.
I always asked God, why did he let us to be this poor,pero at the end of the day I’m still thankful na wala man kaming yaman sobra sobra naman ang pagmamahal.
Sa kabila ng lahat maituturing pa rin ni Samantha na maswerte ang pamilya nya. Dahil kahit nagtatrabaho lang ang magulang ni Samantha noon bilang katulong sa bahay nila Cedrick ay itinuring parin siyang kaibigan ni Cedrick. Naging suplado man si Cedrick sa kanya noong una ay naging magkaibigan din sila ng tumagal.
Naalala ko noon ng sinabihan ako ng mama ni Cedrick na huwag ako makipagkaibigan sa anak nila dahil hindi magkalebel ang antas ng pamumuhay naming, sinubukan ko iwasan si Cedrick noon kahit bata palang ako noon alam ko naman ang nais ipahiwatig ni mrs. Dela vega. Hanggang sa nagtapos ako ng elementary hindi ko pinapansin si Cedrick pero lagi ko siya tinatanaw sa tuwing pupunta sya ng play ground.
Kapag nakikita kong malungkot si Cedrick noon ay nalulungkot din ako dahil sa kung hindi naman ako sinabihan ni mrs. Dela vega noon ay hindi ko iiwasan si Cedrick, pero noong nag highschool kami sinabi ko sa kanya ang dahilan ng pag-iwas ko at tinanggap naman nya ang dahilan na iyon kaya unti-unti bumalik ang pagkakaibigan naming dalawa.
“Samantha may gagawin ka pa?” tanong sa akin ng classmate kong si Benj.
“Oo, yung project natin sa science hindi ko pa kasi natatapos, bakit Benj?”
“Wala naman Sam, naitanong ko lang.” Sabi niya sa akin.
“Okay.” Sabay tango ko.
Hayy... kailangan ko na talaga tapusin ‘yon para maipasa ko ontime.
Habang nagaayos ako ng gamit ko para umuwi na napatingin ako kay Cedrick na matyagang naghihintay sakin sa labas ng pinto, Nakita kong nilapitan sya ni Lexi ang classmate n’yang may gusto sa kanya.
Naglakad ako ng mabilis paglabas ko sa pintuan para hindi ko sila maabala sa usapan nila. Napalingon ako sa aking likuran ng makita ko si Cedrick na pawisan kahahabol sakin.
“Sam, wait, ang bilis mo masyado napapagod na ako.” Sabi niya sa akin.
“Ay sorry, bakit nandito ka na? Nakita ko kayo nag-uusap ni Lexi, kaya hindi na kita tinawag at nauna nako.” Sabi ko naman sa kaniya.
“Grabe ka naman, alam mo naman na ikaw yung hinihintay ko kaya nandon ako sa labas ng classroom niyo,tapos iiwan mo ko?” tanong niya sa akin.
“Sorry na, baka kasi tungkol sa project yung usapan niyo kaya hindi kuna kayo inabala.” Sabi ko sa kaniya.
“Naku! Alam mo naman na ayoko ng kinakausap ako ni Lexi kasi naiilang ako.”
“Gwapo kasi kaya hinahabol ng babae, okay po hindi na mauulit.” Sabi niya sa akin na ikinairap ko naman.
Gwapo? Gwapo talaga?
“Paano may dadaanan ka pa ba o deretso uwi na?”
“Mayroon pa, ibibili ko lang ng vitamins si nanay sa botika.” Sabi ko naman.
“Okay sige, daan muna tayo doon tapos hatid na kita pauwi alas sais na kaya hindi na ligtas sa babae umuwi mag-isa.
“Okay, thankyou. Dami ko na utang na loob sayo. Kapag nalaman to ng mama mo magagalit yun sayo.” Sabi ko naman na ikinabahala ko rin.
“Ano ka ba! Don’t mind, mom, ganon lang talaga yun pero mabait yon.”