Sandra Umaga na naman, panibagong araw, panibagong pagkakataon. Maaga ako gumising kasi pakiramdam ko ay marami akong kailangan gawin kahit wala naman talaga. Yung pakiramdam na akala mo kulang pa yung ginawa mo pero okay na pala, mahirap na sa tuwing umaga ay gumigising ako nang malungkot dahil malungkot naman talaga mag-isa. Tuwing umaga ay iniikot ko ang paningin ko sa buong kwarto ko. Apartmen type lang naman ang tinitirahan ko, tamang-tama sa maag-isang kaatulad ko. Tuwing umaga ay palagi ko naiisip na sana isang beses gigising naman ako nang may makikita akong tao na magbibgay saya sa akin. Kaya lang, alam ko naman n a malabo. Dahil sa maaga nga ako nagising ay naisipan ko nang mag-linis tutal ilang araw ko na rin naman hindi nalilinisan ang apartment n tinutuluyan ko. Isang malaki

