Natutuwa naman ako na may isang tao ulit na willing mag-effort para gawin yung mga bagay na nakasanayan ko. Hinayaan kong matulog si Sandra habang ako naman ay dahan-dahan kong inuubos ang dala niyang sandwich, sayang naman kasi kung hindi ko kakainin ang ginawa niya para sa akin. Matapos ko kumain ng sandwich ay uminom na rin agad ako ng gamot at tsaka naman nag-prepare nang pagkain para sa kaniya. Balak ko magluto ng pasta since masyado naman mabigat kung rice ang kakainin namin pero nagsaing pa rin ako at nagluto ng kaunting ulam para kay Sandra since tanghalian na rin naman. Habang hinihintay ko na maluto ang niluluto ko ay tahimik akong umupo sa tabi ni Sandra at tahimik na pinapanood ang mahimbing na pag-tulog niya. "Siguro nga ay ganon siya kapagod kahapon, sa bagay napagod rin na

