Chapter 53 Samantha Hindi ko pa rin alam kung bakit ganon si Bryan, although nagkikita at nagkakausap kami minsan alam kong may nag-iba. Nag-iba yung way ng pakikipagusap niya, siguro hindi niya alam na nahahalata ko or may nahahalata ako sa pakikitungo niya pero alam ko kahit hindi niya sabihin na may nagbago, maliit man o malaki may nag-bago at hindi ko alam kung bakit ganon siya. Napansin ko yon week after Cedrick came back. Noong una hindi ko pinansin kasi baka dahil lang sa trabaho sa opisina dahil na rin sa natambakan kami pare-parehas ng trabaho, pero habang tumatagal napapansin ko na lumalayo siya, umiiwas siya. Last time he texted me na busy lang siya kaya wala siyang time para makapag-bonding kami pero gaano na ba katagal nong nagtxt siya sa akin. Hindi ko alam ang dahilan ng

