Chapter 36 Kinabukas dahil maayos na ang lagay ng nanay ni Samantha ay maaga din siya pumasok trabaho matapos niyang ipagluto ng pag-kain ang nanay niya. Dahil kahit kampante siya na wala naman naging problema sa opisina dahil kay Carol ay hindi pa rin maalis sa isip niya na mag-alala kahit kaunti. Dahil sa pagod niyq kagabi ay nakatulugan na niyang bukas ang laptop at sa sala na rin siya nakatulog kaya maaga din siya nagising kinbabukasan at nakapag-luto pa siya ng pagkain. Umalis siya ng bahay nang tulog pa ang ina at dahil sa hindi pa rin ganoon ka-igi ang lagay nito ay minabuti na lang niyang huwag na itong gising para makapag-paalam.Nag-iwan na lang siya ng isang mensahe sa ina. "Nay pumasok na po ako, hindi ko na kayo ginising dahil alam ko naman na hindi pa ganoon kaayos ang pakir

