Chapter 17 Nag-aral ako sa paaralan kung saan sila pumasok dahil gusto ko malaman kung nag-kaayos na ba silang dalawa. Nagamit ko ang perang ibinigay ni Maxene pambayad sa tuition fee ko. Nag-apply din ako bilang scholar para kahit papano ay hindi mabigat sa bulsa ang bayarin ko. Umalis na rin ako sa poder nang mga umampon sa akin dahil para saan pa na titira ako doon kung aalilain lang naman nila ako. Pumapasok ako bilang isang part timer sa isang restaurant habang nag-aaral ako ng college. Naiinggit ako sa mga kapwa ko estudyante na hindi kailangan gawin ang mga bagay na ginagawa ko para lang makapagtapos ng kolehiyo. Pero naisip ko na papasan pa’t makakaahon din ako sa pagsisikap ko. Nakakasalubong ko si Samantha sa campus pero kahit kailan hindi ko Nakita na magkasama sila ni Cedrick

