Chapter 41 Ilang araw na ng makabalik si Cedrick sa pinas ay wala naman siyang mahalagang ginawa kundi nag-pahinga lang at paminsan-minsan ay lumalabas sila ng kaniyang ina at sinasamahan niya rin ito magpunta sa simbahan para mag-pasalamat sa lahat-lahat. Maging siya ay marami ring ipinag-papasalamat sa panginoon, ang patuloy na pag-iingat at patuloy na pag-poprovide sa kanila ay lubos niyang ipinag-pasalamat araw-araw. Bumalik siya sa pinas ng maraming tumatakbo sa isip pero lahat ng iyon ay hindi na niya binibigyan ng pansin dahil sa para sa kaniya lahat naman ng kaniyang isipin ay masasagot din sa oras na mag-kita at mag-kausap na muli sila ni Samantha. Kagaya nga ng huling usapan nila ni Carl bago ang flight niya pauwi ng pinas, sinabi nito sa kaniya na magiging maayos din ang lahat

