Humahangos na tumakbo ako papasok ng hospital at agad na hinanap ang emergency room kung nasaan ang inay. Nagising ako kanina sa loob ng VIP room sa Hades kung saan ako dinala noong ako ay nahimatay. Nabungaran ko pa paggising ko si Maddi at Sir Finn na seryosong nag-uusap. Tinanong nila ako kung anong nangyari at bigla nalang akong nawalan ng kamay. Walang alam si Madz dahil nang mahulog ko ang cellphone ko ay nagkanda warak warak ito at hindi na mabuksan. Pinatignan na nila ako sa isang private doctor at wala naman daw akong sakit. Mabilis akong umalis doon at pumara ng jeep papunta rito sa hospital. Hindi ko na sinagot ang kanilang mga tanong dahil sa kakamadali. Ramdam ko ang sobrang kaba at takot dahil kagabi pa sana ako nandito pero inumaga na ako ng dating. Nakasuot lang din

