bc

TRES VANNI

book_age18+
22.7K
FOLLOW
180.6K
READ
sex
contract marriage
love after marriage
twisted
bxg
heavy
abuse
disappearance
lies
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

WARNING: This story contains scenes that aren't suitable for young audiences. (SPG)

Sa gitna ng krisis na kinakaharap ng pamilya ni Astherlyn ay nakahanap siya ng isang trabahong hindi man marangal sa mata ng iba ay siya namang makakatulong ng malaki sakanya.

Papasukin niya ang pagiging isang pole dancer mairaos lang ang kaniyang pamilya at ang may sakit na ina.

Mapanindigan kaya ni Astherlyn ang pagta-trabaho doon kung isang araw ay magigising nalang siyang kasal na sakanyang amo? O, magiging mas miserable lang ang buhay niya dahil dito?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Napapikit ako ng mata at napabuga ng malalim na buntonghininga nang sa wakas ay makalapag na ang eroplanong sinasakyan ko pauwi dito sa Pilipinas. Sinalubong ako ng mainit na klima at maalikabok na paliparan nang makababa na kami mula sa eroplano. Nilibot ko ang mata ko at napangisi nang makita ang malaking pagbabago ng airport na 'to simula noong huli kong apak dito. It's been 4 freaking years... Nandito ulit ako sa bansang kinamumuhian ko. Dito ko naranasan lahat ng hirap, sakit at pagkasira dahil sa mga taong um-agrabyado sa akin. Hinding hindi ko makakalimutan ang dahilan kung bakit napagpasyahan kong bumalik na. It's time for my revenge. Masiyado na akong nagpalipas ng mahabang panahon, oras na para maningil. Malakas na buntonghininga ang pinakawalan ko bago isinuot ang makapal na salamin at sumakay sa limousine na kanina pa nakaabang sa akin. "Are you ready?" Tumango ako sa tanong niya. Narinig ko ang paghalakhak niya sa tabi ko. "Paniguradong magkaka-gulo sila sa pagdating mo, I'm very excited to see their reactions." Ngumisi ako at nilingon siya. "Hayaan mo silang magkagulo, isa nga 'yun sa purpose ng pagdating ko. I want to see their epic faces." Nagtawanan kami. "That's my girl! It's time for you to ruin their fantasy, you're so brave, I'm proud of you." Napangiti ako sa sinabi niya. He's been my mentor ever since we flew away from the Philippines. He made me strong and helped me achieve the woman that I am right now. All credits to him, my one and only Gio. Napailing-iling nalang ako sa naging usapan namin. I used to call someone as my one and only, but... Destiny ruined us. He hurted me and he's been part of that traumatic experience caused by his evil and obsessed admirer. Pero ayoko nang isipin pa 'yon, at ayoko na ring magkaroon ng kahit anong interaksyon sakanya, I don't wanna see him. I don't want him to know that I'm already back here in the Philippines. He is just also a victim of fake propaganda about me. Hindi nga lang ako natuwa sa naging desisyon niya, he threw me away from his life. Iyon ang malaking pagkakamaling ginawa niya. Hinawakan ni Gio ang kamay ko nang mahalata niyang nahulog nanaman ako sa malalim na pag-iisip. Gio Mendez. Ang taong tumulong sa 'kin na makawala sa kamay ng mga hayop na 'yon. Ang kaisa-isang tao na tumulong hindi lang sa akin kung 'di pati sa pamilya ko. Ang nagdala sa akin sa ibang bansa upang buuin muli ang sarili. Siya ang sumalo ng mga problema ko sa pamilya na hindi ko nagampanan ng maayos dahil sa mga maling desisyon. Hinawakan ko din ang kamay niya. Sobra ang pasasalamat ko sa taong 'to. Kung wala siya, baka tuluyan na din akong nawala sa mundong 'to. "Do you have your meds?" Tumango ako, "Always." He sighed in relief. "Good, ayokong atakihin ka nanaman ng sakit mo. Malapit na tayo sa mansyon, nandoon na ang mga kapatid mo." Ngumiti lang ako at tahimik na inayos ang pagkakaupo. Binaling ko ang atensyon ko sa labas ng bintana at blinangko na ang utak ko sa mga isipin. I don't want them to see me on my weakest state. Ang gamot na iniinom ko at tinutukoy ni Gio ay para sa depression ko, meron din akong anxiety. Kapag inaatake ako no'n ay nanginginig ako at minsan ay hindi na makahinga. The worst case is sometimes, nawawalan na rin ako ng malay. Dumating kami sa mansyon niya at sinalubong ng mga kasambahay niya. Gio is a famous actor here in the Philippines. Isa rin siyang business tycoon at nagmamay-ari ng iba't-ibang real estate company. Nakilala ko sa dati kong trabaho, we became friends and that's when he came up to be my savior too. "Welcome back, sir!" bati nila kay Gio. Tinanguan lang niya ang mga 'to at nauna nang pumasok. I roamed my eyes on his big mansion, this is literally big as f**k. Parang mansyon lang ni ano. Napailing-iling ako. Stop thinking about him, Asther! Naiinis na sambit ko sa sarili ko. Taas noo akong pumasok sa engrandeng pinto ng kanyang mansyon at hindi na pinansin ang mga kasambahay niyang nakangangang tinititigan ako. Well, what can I say? I've changed a lot. Laging sinasabi ni Gio na nakaka-intimidate na raw ang presensya ko, maybe because I'm always wearing my favorite shade of lipstick. Pulang pula ang labi ko na siyang bumagay naman sa porselana kong balat. I am also wearing a red turtle neck bodycon dress na pinatungan ko ng coat na black. Also a black boots and aviators. My two favorite colors, hindi na ako 'yung dating Astherlyn na mahilig sa light colors at mahiyain. For me to seek revenge, I need to be strong. Naagaw ng atensyon ko ang tumatakbong si Georgia na agad akong sinunggaban ng yakap sa bewang. Gio's 5 year old daughter, Georgia Mendez. "Tati! I miss you!" Natawa ako sa tinis ng boses niya. Agad ko naman siyang kinarga kahit may kabigatan na tsaka pinugpog ng halik sa pisngi. "I miss you too, baby." She giggled. Sunod na sumalubong sa akin si Cia, ang asawa ni Gio. Yes, he's happily married. Ang kaso lang, tago sa publiko ang pagbabalikan nilang dalawa. Cia is a model, when she found out that she's pregnant with Gio's child, she lost her career. Naghiwalay silang dalawa na hindi alam ni Gio ang kalagayan niya, he just found out her secret two years ago. She's back to modeling again. Ayaw nila ng issue kaya hindi alam ng publiko na sila ulit dahil ayaw nilang pagka-guluhan sila. They want a private life outside of their own careers. Agad niya din akong niyakap at bineso-beso. "I'm glad you really took the opportunity to come back here, Demselle!" Ngumiti ako at binaba si Georgia. "Still have some collaterals to collect," sagot ko at natuwa dahil second name ko pa rin ang ginagamit niya at hindi Asther. Natawa siya tsaka ako niyayang pumasok na sa dining area nila, nag prepare daw sila sa pagdating ko. Nandito din ang mga kapatid ko na nauna nang dumating dito dahil nabalitaan ang pagbabalik ko. Despite of their busy schedules, they're here to see me and I'm happy for that. I have three siblings, Midel, Johann and Brinella. Kasama ko silang umalis ng bansa 5 years ago, nauna lang silang bumalik dito sa Pilipinas dahil hindi pa ako ready that time na sumama sakanila. My mother died in this country, and those people caused it. So I first took the courage and planned everything before coming back here. Midel is a lawyer now, Johann and Brinella is doing good on their bar and restaurant business. Sobrang saya ko para sa mga kapatid ko, I never thought that they will succeed despite of the chaos we've been facing years ago. Despite of the pain of grieving to the death of our beloved mother, despite of the longing inside our hearts, they did it. Napatalon ako sa gulat ng may yumakap sa likod ko. Agad akong napalingon at nakita ang tatawa-tawang si Brinella. "The hell, Bri! Papatayin mo ba ako sa gulat?" Tumawa siya. "Sorry, ate! Magugulatin ka pa rin hanggang ngayon? We missed you!" Halos hindi na ako makahinga sa higpit ng yakap niya. Tinapik ko siya sa likod. "B-Bri, I-I can't b-breath," bulalas ko. Agad naman niya akong pinakawalan at tsaka lumihis dahil nasa likod na niya ang dalawa ko pang kapatid. They're seriously looking at me. I smirked. "Wala ba akong hug diyan?" Tanong ko at humalukipkip sa harap nila. Seriously? Walang character development sa dalawang 'to? Lagi nalang silang seryoso, but I know deep inside, they've missed me too. Hindi lang sila showy, especially Midel. Mas naging seryoso pa sila nung mamatay si Inay. Lumapit naman silang dalawa sa akin at niyakap ako. Damn, mas matangkad pa sila kesa sa akin na panganay! "How's your flight?" tanong ni Johann. "Ayos lang naman, medyo masakit lang sa ulo dahil matagal din akong hindi bumyahe." "Are you gonna stay here for good?" Nilingon ko si Midel na siyang nagtanong. "I don't know, maybe?" nagkibit balikat ako. He sighed. Hindi nila alam ang plano ko sa pagbabalik ko rito, hindi rin naman nila alam ang tunay na nangyare kay Inay. Ang alam lang nila, inatake ito ng sakit. Pero may mas malalim na dahilan 'yon... And I know, I'm also one to blame. Napahugot ako ng malalim na hininga ng magsi-upuan na kami sa harap ng hapag. "I already bought you a condo, as for your request," bulalas ni Gio habang kumakain kami. Uminom muna ako ng wine bago sumagot. "Thank you so much, Gio. How 'bout a car?" "Don't waste money, Asther. Marami akong sasakyan na hindi pa ginagamit, take one of them." I rolled my eyes at him. "I'll transfer the payment on your bank account, babayaran kita. You're spoiling me too much, Kuya Gio!" I mocked him. He doesn't want me to call him kuya kahit dalawang taon ang tanda niya sa 'kin. Napahilot siya ng sintido. Natawa naman si Cia sa reaksyon ng asawa niya. Kung ibang babae siguro 'to, aakalain na magka-relasyon kami ni Gio, sobra kase kung makapagbigay ng luho 'to sa 'kin. Buti nalang hindi selosa si Cia, she's really sweet and kind. Kaya siguro tinamaan ng husto si mokong. "Ayaw mong mag stay sa bahay, ate?" napatingin ako kay Brinella. I shook my head. "No, I want a personal space. And gusto ko ng malapit lang sa tatayuan ko ng business." I'm planning to start a wine business, I already have the knowledge about it. Kailangan ko lang ng investors and some partners para maging matagumpay 'yon, Gio will help me find some. Tumango lang siya. Tahimik na kaming lahat na nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos kaming kumain ay agad naman nagpaalam ang mga kapatid ko na aalis na dahil may mga importante pa daw silang gagawin. They will catch up with me soon, I said yes and accompany them outside. "Take care, okay? I'll visit the house soon." "Okay! Alis na kami, I'll call you later, ate!" "Sure, drive safe!" Nagsi-pasok naman na sila sa kanilang mga sasakyan at nagsimula ng mag drive paalis. Napangiti ako sa itsura ng mga sasakyan nila, hindi na basta basta lang ang mga kapatid ko. They're now living in a luxury, and as their sister, I'm so proud of them. Dati lang ay namo-mroblema pa kami sa pamasahe sa jeep at tricycle, ngayon may kanya kanya ng sasakyan. Pumasok na ako ng mansyon ni Gio at nagpagpasyahang magpahinga na muna. Bukas ako aalis dito at lilipat ng condo ko, sa ngayon ay hindi muna ako pinayagan ni Gio at Cia na umalis dito dahil baka raw pagod pa ako sa byahe. Umakyat na silang tatlo sa kanilang kwarto, It's already past 8:00 PM. Napabalikwas ako sa pagkakahiga ng may kumatok sa pinto ko. Wala pa akong segundo na nakahiga. Agad ko namang binuksan at nakita si Cia na nakangiting may dalang unan. "Tabi tayo?" Napangiti nalang din ako dahil sa alok niya. Cia knows everything about me, kinuwento ko sakanya lahat nung nand'on siya sa New York para samahan si Gio na tignan ang kalagayan ko doon. Alam ko kung bakit gusto niya akong tabihan ngayon, she's scared I might getting a nightmare again. Which is yes, I've been experiencing that one but I already have my medicine ready. Kapag hindi ako nakakainom ng gamot, minsan hindi ako makahinga sa pagtulog. And that scares them, sila lang ang may alam ng pinagdadaanan ko, even my siblings doesn't know about it. Ayokong malaman nila, I don't want them to worry about me. Humiga na kami sa kama ko, akala ko matutulog na siya nang bigla niya akong hinarap. Napakunot ako ng noo nang seryoso niya akong tignan. "Your ex is getting married," she murmured out of nowhere. I raised my eyebrows. "And?" Nakita ko ang pagdadalawang isip sa mukha niya. "And? Continue, Cia!" may pa-suspense pa kase siyang nalalaman. I feel like it's something serious that it took her minutes to finally say it. "He's getting married, and Thalia..." Lumakabas ang t***k ng puso ko at seryosong inabangan ang sunod niyang sasabihin. "She's the bride." Agad akong napabalikwas ng bangon nang marinig ang pangalan ng bruhildang 'yon! The one who sets me up! The reason why my mother died and also the reason why I came back to seek revenge. "That b***h!" Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Nararamdaman ko ang galit na namumuo sa kaibuturan ko. Hinawakan niya agad ako sa dibdib at hinaplos haplos doon. "Stay calm, Asther. Sinabi ko lang para aware ka, don't let them see that you're affected. You might ruin your plan." Umupo siya sa gilid ko at hinaplos din ang buhok ko. Nangingilid na sa luha ang mata ko dahil sa galit. Kapag hindi ko pa naman nailalabas ang galit ko ay nauuwi sa 'to sa luha. Damn it! Hindi ko sila nagawang pagbayarin noon dahil isang hamak na mahirap lang kami at hindi ako kinampihan ni Tres noon. He even dumped me and end our contract without hearing my side. Hindi niya ako binigyan ng chance na magpaliwanag noon sakanya, basta nalang siyang naniwala kay Thalia na gumawa ng mga pekeng ebidensya para lang masira ako. "Come here," hinila ako ni Cia para yakapin. I buried my face on her shoulder. I started to cry like a baby, I can't hold it anymore. "F-F*ck them... Ang kapal ng mukha nila!" "Shh, hush. Stop wasting your tears, they don't deserve it." "A-Ang sakit, I feel like I've been stabbed for hundred times a-again," panay na ang hikbi ko at mukhang wala na itong balak tumigil. Tres and Thalia? Getting married? Cursed them! Why does it have to be her? Why marry the girl who caused me pain and made our almost perfect love story ruined? I want to ask him. Of all people? Why does it have to be her, Tres? Why? Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko. "Shhh.. Asther, breathe!" Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Humahagulgol na kase ako, ramdam ko na ang kakulangan sa hangin dahil hindi na ako makahinga. I saw her panicked. She quickly got herself out of the bed. "Where's your medicine?" Umiiyak na tinuro ko ang pouch na nasa bedside table sa gilid ng kama ko. Napahawak na ako ng mahigpit sa dibdib ko. I am running out of air! Agad siyang tumakbo palabas ng pinto, I heard him calling Gio, ilang sandali ay parehas na silang humahangos na pumasok sa pinto. May dalang pitsel at baso si Cia. Agad na inabutan niya ako ng isang basong tubig at capsule, nanginginig na ininom ko 'yon. Halos matapon na nga sa akin ang laman ng baso dahil sa panginginig ko. "I'm sorry, hindi ko na sana sinabi 'yon," guilt is all over her face. Umiling ako. "I-It's okay," utas ko nang matapos uminom ng gamot. "I told you, honey. She still can't control her emotions, I warned you already!" si Gio na halata ang galit sa mukha. "I'm sorry." Nang makahinga na ako ng maluwag ay hinawakan ko siya sa kamay. "Don't w-worry, I'm fine now." She let out a deep sigh. Pinahiga na nila ako ni Gio sa kama, I told them to leave me now so I can rest, and they did. Kahit gusto ko ulit maiyak ay pinigilan ko na ang sarili ko. They're getting married... I guess I need to change plan. I'm not gonna let them have their happy ending, they don't deserve a happy life! Kakasabi ko lang kanina na mukhang hindi ko na pag a-aksayahan ng oras si Tres. Pero tadhana na ata ang nagsasabing deserve niya rin ang makaranas ng galit ko. Wait for me, all of you. Thalia and her group will surely suffer in my hands. And you, Tres. I'll have you back, I won't let you marry her. By hook or by crook, Tres. Remember that.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook