Nakarating kami sa fastfood chain at nakabili na ng pagkain at pabalik na sa hospital pero hindi pa rin ako kinikibo ni Maddi. Tila nasa state of shock pa rin siya kaya hindi siya makapagsalita. Naiintindihan ko naman siya. Talagang nakakagulat ang gano'n, lalo na't hindi pa naman kami masiyadong magkakilala ni big boss, tapos dalampung milyong piso ay napakalaking halaga. Kahit ako ay hindi makakapaniwala doon. Pero alam kong kapag bumalik siya sa huwisyo, maiintindihan niya ako. Pumasok kami ng hospital room nila inay, dumiretso si Maddi sa pag-upo sa sofa, wala pa rin talaga siya sa sarili dahil muntik na siyang makaupo sa hita ng kapatid ko, mabuti at ito na ang kusang umiwas at kunot noo siyang tinignan. "Anong nangyari diyan?" Tanong niya. Nagkibit balikat lang ako at inila

