Chapter 29 - Hope is the key

1190 Words
Lily's Pov "Excuse me, paraan po." nagmamadaling tugon ko habang tumatakbo sa gitna ng hallway at pinapatabi ang mga estudyante. Habang naglalakad kami papunta sana sa room ay may narinig kaming humihingi ng tulong at kapag narinig namin ang mga 'yon, tiyak na may nabiktima nanaman ang mga evil dreamer. And it sucks. Buhat ni Ian ang isang binatilyo na walang malay at wasak ang kaniyang mga labi samantalang yung isa namang babaeng estudyante ay buhat ni Vin. Agad namin ininform si Ms. Alisah dito at mabilis ding nakarating ang ambulansya kaya naman paglabas namin ng senior high building ay hindi na kami naghintay at nakapunta na kami sa hospital less than five minutes. As usual, bawat araw nadadagdagan ang kaso ng nabibiktima. Hindi titigil ang mga evil dreamers hangga't hindi nila kami nauubos. Halos napuno na rin ang mga rooms at araw-araw na ring aligaga ang lahat. Marami ang naligtas ngunit sa kasamaang palad, marami na rin ang nasawi. Sinalubong kami ng nurse na may dala-dalang dalawang rolling hospital bed, inihiga namin sila dito at dali-daling ipinasok sa mga available rooms. Papunta sana kami sa room kung saan nakaadmit si Michelle, ngunit napatigil kami dahil nagkakagulo sa first floor. Halos manlumo ako habang tinitignan sila, napuno ang loob ng hospital na malakas na iyakan at pagdadalamhati. "PLEASE SAVE MY FRIEND!" "Parang awa niyo na... tulungan niyo po kami" "Ano na pong balita sa kaibigan ko? Nahanap niyo na po ba siya?" Ang mga nurses at si Ms. Alisah, maging si Ms. Lopez ay hindi na mapakali dahil sunod-sunod na nagmamakaawa at walang sawang umiiyak sa harapan nila yung ibang estudyante. Yung iba ay nakaluhod na sa kanilang harapan at umiiyak. Biglang may kumirot sa puso ko, nakaramdam ako bigla ng awa sa kanila. Ayoko nakakakita ng ganitong scenario, madali talaga akong maapektuhan. I feel what they feel right now, isa sa mga worst na mangyari ay malagay sa binggit ng kapahamakan ang taong importante sayo. "Kumalma kayo, parang awa niyo na. Ginagawa namin ang lahat. Halos wala na kaming pahinga para lang maligtas ang isa sa inyo... so please" nanatiling kalmadong saad ni Ms. Lopez, maging siya ay hindi pa rin nakakapaghinga. She is just a lucid dreamer, sa kabila ng maraming gawain as Academic Head ng school. Tumutulong din siya dito sa hospital 'pag free time niya dahil kailangan na kailangan din talaga ng iba pang tao na tutulong. "HANGGANG KAILAN PO KAMI MAGHIHINTAY? MAILILIGTAS NIYO BA TALAGA SILA?" at muli nanamang nagmakaawa ang iba. Napayukom ang mga kamay ko, nararamdaman kong bumibigat ang pakiramdam ko. "They have no choice but to wait, napakahirap labanan ng isang evil dreamer at napakahirap din maghanap, kung alam lang nila," sabi naman ni Vin habang nakikinig. "Mas mabuti pa, bumisita na tayo kay Michelle bago tayo magrelax relax at pumunta muli sa Crescent World," sabi ni Ian at naglakad na kami. Bago pa kami makapasok sa room, may isang babae ang nagmamadaling lumabas dito at pumunta sa isang nurse. "NURSE!" sigaw ng isang babae na estudyante. "Bakit, anong nangyayari?" "Yung isang pasyente sumisigaw siya kanina, nang lumapit ako sa pwesto niya pagkalapit ko.... hindi na siya humihinga" Sabay-sabay na nanlaki ang mata naming tatlo, maging ang nurse. Agad kaming napatakbo sa room. Damn, Michelle... Mabilis kaming pumunta sa side ni Michelle, chineck ko agad yung pulse niya... I took a deep breath, thanks she's still breathing. Pero sino yung tinutukoy ng babae kanina? Napatingin ako sa kanang side namin, a nurse right now is checking the pulse of the girl. Napailing-iling siya. Ilang segundo, may isang lalaki na sumisipol na pumasok sa room na may dala-dalang pagkain. Nadatnan niya ang nurse na nasa pwesto ng kaibigan niya. Lumapit yung nurse sa kanya na nangangatog at maluha-luha ang mata. "I--I'm sorry to tell you but she's gone" Sandaling natigilan ang lalaki sa sinabi ng nurse, sa isang iglap ay may namuong luha sa kaniyang mga mata hanggang sa sunod-sunod itong bumagsak. Nabitawan niya ang pagkain na dala-dala niya. "N-no way, please tell me that you're joking" nanginginig na sabi niya sa nurse at pumunta sa direksyon ng kaibigan niya. "ARABELLA!" Isang malakas na sigaw ang umecho sa loob ng room. Patuloy pa rin niyang ginigising at malakas na tinatawag sa pangalan ang kaniyang kaibigan na umaasa na magising pa ito. Napuno ng pagdadalamhati ang loob ng room. Napahawak ako sa bibig. Napaiwas ako ng tingin, napatakip ako ng tenga. Sa tuwing naririnig ko ang mga sigaw niya at paghikbi naalala ko kung paano rin ang pagiyak ko no'ng time na ginigising ko si dad. This is the worst thing ever. "Lily," Mukhang napansin ni Ian kung ano ang naging epekto sa'kin ng nangyari, hindi siya nagdalawang isip na yakapin ako mula sa likod, habang takip-takip ko ang tenga ko ay tinakpan naman niya ang mga mata ko gamit ang dalawang kamay niya. Ngunit alam ko na kasalukuyan ng inaalis yung katawan ng isang babae at patuloy ko pa ring naririnig ang paghihinagpis ng isang lalaki. I hate this, freakin' much. **** "Tama sila Carson, they have an abilities na naging dahilan kung bakit nagkaroon sila ng lakas ng loob na atakihin tayo. The question is, saan nila nakuha ang powers na ganito? It's too much," Mr. Aguiluz said. "Malakas ang kutob ko sir na yung nagbigay nito sa kanila ay hindi isang ordinaryong tao, someone help them at damn, panibagong katanungan nanaman sa ating isip," inis na sabi ni Carson na napapalo pa sa kaniyang desk. Tumayo naman si Mr. Van, "Huwag na muna nating problemahin 'yan. Ang problemahin natin ay yung suspect natin ngayon na nakita ni Nef, his face is familiar. Dito siya nag-aaral, his name is Miko Salazar," at ipinakita niya sa'min ang dinrawing ni Mr. Aguiluz. Nabaling ang tingin namin sa kaniya lahat, "At according din sa isang babae na nakaligtas, the boy that she saw ay parehas na lalaki na nakita rin ni Nef. I told her to find for this man, hinihintay ko lang yung text niya. Mas maganda na hind niya mahahalata na nahuli na natin siya," sabi ni Mr. Jackson. "Seriously? Mayroong evil dreamer sa loob ng school? It's very alarming, we have to be extra careful," sabi ni Nef. "Yes at kailangan natin siyang mahuli kaagad dahil hindi natin alam kung ano ang maaari niyang gawin," muling tugon ni Mr. Van. "Okay, while we're waiting, kumusta na ang app na ginagawa mo Nef?" tanong ni Mr. Aguiluz. "It's all done sir, pwede na nating magamit." masayang sabi naman nito. "How about you Lou?" "Ah, sir. Yeah, ayos lang. Nakikita ko nanaman na natututo sila, konting effort at tiyaga lang ang kailangan," sabi nito. "I am happy with that. Alam kong hindi ko madalas sabihin sa inyo 'to but all of your hardworks, efforts to fight for our situation, naaappreciate ko ang lahat ng 'yon." "Yes, fight for the---" Napalingon kami kay Mr. Jackson nang tumunog ang kaniyang cellphone, agad niya itong kinuha sa kaniyang bulsa at binasa niya ang message na kanina pa naming hinihintay. "Where is he now?" tanong ni Mr. Aguiluz. "He's in the hospital, kasalukuyan siyang ginagamot ng isang nurse,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD