PROLOGUE
"GET ME OUT OF HERE" sigaw ng isang lalaki at umecho ito sa buong paligid ng kwarto.
Buong lakas niyang inaalis ang mga kadenang nakatali sa kanyang mga kamay at paa habang gigil na gigil na nakatingin sa isang babaeng nasa harapan niya ngayon at nakaupo mula sa isang kahoy na gawa sa upuan.
Nanlilisik ang kaniyang mga mata, animo'y gusto niyang gilitan ito.
"WHAT ARE YOU WAITING FOR? I SAID GET ME OUT OF HERE!!!"
Sa kabila ng mga sigaw ng lalaki, nananatili pa ring kalmado ang babae na parang hindi siya naaapektuhan sa mga sinasabi nito. Seryoso lamang siyang nakatingin sa lalaki at nanlilit ang mga mata nito habang nakakrus ang mga kamay.
Tumayo siya at naglakad lakad.
"I will set you free kung sasabihin mo sa akin ngayon kung saan nagtatago 'yang mga kasamahan mo,"
nanatiling kalmadong saad ng babae.
Samantalang patuloy pa ring inaalis ng lalaki ang mga kadenang nakatali sa kanyang mga kamay at paa.
Ngunit gaano man kalaki ang kaniyang mga katawan, gaano man siya kalakas ay hindi niya magawang tanggalin ito.
Sinigurado nila na hindi siya makakawala mula sa pagkakadena.
"HOW MANY TIMES DO I HAVE TO TELL YOU? I DON'T KNOW WHERE---"
Hindi na niya natapos ang sinasabi niya dahil biglang pumalakpak at humagalpak ng tawa ang babae na kanina ay seryoso lamang na nakatingin sa kanya.
Hindi niya inaasahan at isang malakas na suntok ang tumama sa ilong niya dahilan para magdugo ito.
"Ayoko sa lahat yung sinungaling, pwede ba? Stop acting like an innocent kung gusto mo pang makalabas dito ng buhay sabihin mo na sa akin kung saan," kinuwelyuhan niya ang lalaki, makikita mo sa mga mata nito ang determinasyon na mapaamin ang lalaki sa kaniyang nalalaman.
Kung kanina ay kalmado lamang siya, ngayon ay seryoso at galit na galit na nakatingin sa mga mata ng lalaki, tila hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang impormasyon na sigurado niyang alam ng binailyong ito.
Tagaktak na rin ang pawis ng dalawa dahil sa init ng panahon at kulob din ang kwarto. Napapasalpok na ang babae sa noo at sumasakit na rin ang ulo.
Pero imbis na matakot ang lalaki sa mga sinabi ng babae ay tinawanan niya lamang ito at dinuraan niya sa mukha dahilan para mapaatras sa kanya ang babae.
"WHAT THE HECK!" inis na sabi ng babae habang pinupunasan niya ang mukha ngayon.
"Do you think matatakot ako sa sinabi mo? I'd rather die than say where it is, kahit ano pang gawin mo. I am gonna make sure that you will never find them, itaga mo yan sa bato," sabi sa kanya ng lalaki at isang malakas na tawa ang umecho sa loob ng kwarto dahilan para mas lalong nagalit sa kanya ang babae.
"SUMUSOBRA KA NA! HETO ANG NABABAGAY SAYO!"
Napatigil siya sa pagtawa nang muli siyang kinuwelyuhan nito, malakas siyang sinapak ng babae sa tiyan dahilan para mapaupo siya.
Hindi na mapigilan ng babae ang kaniyang galit dahil nakaupo siya ay isang malakas na magkakasunod na sipa aang tumama sa kanya dahilan para magdugo ang kaniyang ilong at labi.
"Masyado kang nagmamatigas huh, bakit tila mukhang naduduwag yata kayo saamin kasi once na mahuli namin kayo katapusan niyo na?" sarkastikong saad ng babae habang patuloy pa rin niyang tinatadtad ng sipa ang lalaki hanggang sa mapagod siya.
"Nagpapatawa ka ba? Huwag kayo masyadong makampante, sinisiguro ko na pagsisisihan mo itong ginagawa mo sa akin" sa kabila ng mga sipa na inabot niya sa babae ay hindi pa rin siya nagpapatinag at nakatingin lamang siya sa babae habang nakangisi.
Limang minuto ang lumipas pero hindi pa rin niya nagawang mapaamin ang lalaki, kahit anong gawin ng babae ay hindi pa rin nito nagawang magbanggit ng impormasyon kahit na konti lamang na makakatulong sa kanila para mahanap ang mga kasamahan ng lalaki. Habang tumatagal mas lalo lang lumalala ang inis at galit nito.
Napahinga na lang siya ng malalim dahil sa hingal at sa stress.
Hanggang sa wala siyang choice kundi gawin ang plano na naiisip niya. Isang plano na kaniyang matagal na pinag-iisipan. Isang plano na sana ay maging way para mapaamin niya yung lalaki.
"I will give you one minute to say where it is or else.." sabi ng babae at inilabas niya ang isang baril mula sa kanyang bulsa.
Ito na ang huling alas niya para magsalita ang lalaki.
"Or else, you'll die" agad niya itong ikinasa at itinapat sa direksyon ng lalaki.
Ngunit nananatiling parang manhid ang lalaki, hindi man lang siya makikitaan ng kahit anong takot sa kaniyang mga mukha. Napailing-iling ito at napapangisi na tila patuloy na inaasar ang babae na ngayon ay nangangatog ang mga kamay habang hawak-hawak ang isang baril, "So you really wanted to kill me?" tanong nito.
Hindi man lang siya natatakot kung tumama man ito sa kaniya at maging sanhi ng kaniyang pagkawala dito sa mundo.
"Yes, in all honesty. You deserve it," sabi ng babae sa kaniya, inilagay niya ang hintuturo mula sa gatilyo ng baril.
"Tutal ayaw mo naman sabihin 'yang nalalaman mo at wala na rin naman kaming mapapala sayo. You are so useless already. I will not hesitate to shot you," sabi nito.
Naglaho ang mga ngiti sa labi ng lalaki dahil sa sinabi nito, tila may kirot na naramdaman siya sa kaniyang puso at dahil doon ay mas nag-alab ang kaniyang galit, "I'm gonna make sure that you'll regret this,"
Muling natawa ng bahagya ang babae sa kaniyang sinambit, "Regret? What would I?"
At tuluyan ng sumabog muli ang lalaki sa galit.
"WAAAAAAH!"
"ANG DAMI MONG SATSAT, MAY ISANG MINUTO KA NA LANG,"
"THEN KILL ME NOW!!!!"
"SO HINDI KA TALAGA MAGSASALITA?"
"JUST LIKE WHAT I HAVE TOLD YOU, I'D RATHER DIE THAN SA---"
"ANG TIGAS TALAGA NG BUNGO MO!"
"I DON'T CARE ABOUT YOUR OPINION"
"MAY SAMPUNG SEGUNDO KA NA LANG"
"I DON'T CARE ANYMORE"
"TELL ME WHERE IT IS"
"YOU WILL NEVER CONVINCE ME"
"LIMANG SEGUNDO"
"KILL ME NOW!!!!"
"3..2..1"
"KILL ME----"
At isang nakakabinging tunog ng baril ang tumunog sa loob ng room.