Lily's Pov
"Lily, nasaan ka na ba? Baka nakakalimutan mo na malayo pa ang pupuntahan natin?" naiiritang sabi ng kaibigan kong si Michelle mula sa telepono.
Hindi ko namamalayan na kanina pa pala siya tumatawag.
"Heto na, on the way na, just a second" saad ko habang isinasarado ko na yung zipper ng maleta na dadalhin ko.
"Bili-----"
Bago pa niya ako pagsabihan muli, I ended the call.
Oo na, late na ako nagising.
Nagmadali na akong lumabas ng kwarto habang hila-hila ang maleta na ito na tila ba para akong mang-iibang bansa.
Sakto na lumabas na rin si Mom na aalis rin ngayon para pumunta sa Australia dahil may kailangan siyang asikasuhin doon.
Hahatid siya ni Kuya TJ, ang nakakatanda kong kapatid na nasa baba na at naghihintay.
"Mom, I have to go" matipid kong sambit sa kaniya, I was about to leave pero pinigilan niya ako.
"Sandali, anak" lumapit siya saakin at inayos ang magulo kong buhok.
"Good luck ngayong school year. Mag-iingat ka sa bagong school na papasukan mo, kung may problema man sabihan mo lang ako o ang kuya TJ, ok?" sabi niya at mahigpit niya akong niyakap at gayundin ang ginawa ko.
"Yes mom, I will" bahagya akong ngumiti sa kaniya.
Deep inside napapalunok na ako ng laway, wala silang ideya na yung school na papasukan ko ay para sa mga Lucid Dreamers, they thought that it is just an ordinary school but no, it's not. Hindi rin nila alam kung ano yung rason ko kung bakit ako mag-aaral sa school na 'yon.
Naramdaman ko na biglang nagvibrate yung cellphone ko na nasa aking bulsa, hinihintay na nga pala ako ni Michelle.
For sure, inis na inis na saakin ang babaeng 'yon.
"Mom, I really have to go, michelle is waiting for me outside. Mag-iingat din po kayo." I said and before I go, I hugged her so tight again and she kissed my forehead at tuluyan ng bumaba ng hagdan.
"Kuys, una na ako. Dahan-dahan lang sa pagdadrive." sabi ko kay kuya TJ nang maabutan ko sa garahe na naninigarilyo.
Tumango lang siya sa sinabi ko bago tumalikod at nagpatuloy na sa paglalakad palabas ng bahay. I realized, matagal-tagal ko silang hindi makikita.
Mas mabuti na rin siguro ito, mas magagawa ko ang plano ko.
Kung nandito si Mom at iinform ko sila about dito, malaki ang posibilidad na maging against sila sa gagawin ko.
Also, I don't want them to be involved in it if there will something problem happened. I want to keep them safe just like what my Dad told me before he died.
"Come in na, bilisan mo excited na ako makapunta sa Crescent High. Napakabagal naman talaga nitong kumilos!" sabi niya saakin nang makarating ako sa kotse nila.
Sinamaan ko siya ng tingin, ilang beses na niya akong sinasabihan ng ganyan ngayong araw
"FYI, Hindi ako mabagal kumilos, sadyang excited ka lang talaga. Ang aga mo pumunta, mukhang hindi ka pa yata nakatulog" sabi ko sa kaniya, itinuro ko yung makapal niyang eyebag.
Pumasok na ako sa loob at tinabihan siya sa backseat. "Ewan ko sayo, senior high na tayo sa mga susunod na araw. Kailangan mo na magbago, Lily." sabay irap niya saakin na hindi ko na lang pinansin at napailing-iling.
She is Michelle Antonio, she's also a lucid dreamer like me. We became friends because of that at nang malaman ko na ngayong Senior High School ay sa Crescent High din siya mag-aaral, sumabay na ako sa kanila papunta doon.
Habang bumabiyahe, hindi ko maiwasang kabahan. My heart is beating faster 'pag iniisip ko na papunta na kami sa school na 'yon.
Ang daming pumapasok sa isip ko, hindi lang kasi ako pumasok sa Crescent High dahil sa lucid dreamer ako, pumasok ako dito dahil sa kagustuhan kong malaman ang isang bagay, iyon ay kung ano ang ikinamatay ni Dad na sana ay mahanap ko ang kasagutan sa school na 'yon.
Lumipas ang kalahating minuto, napansin ko na nakatulog na si Michelle. Sinubukan ko rin matulog pero di ko magawa, napagdesisyunan ko na muling basahin ang huling liham na binigay saakin ni Dad.
Sa aming apat kaming dalawa lang ni Dad ang nagkaroon ng kakayahan na kontrolin ang aming panaginip kaya mas naging close ko siya instead kay Mom. It is one of the most secret naming dalawa, we never tell it to them because we knew that they will find it weird and won't believe in us.
I was nine when I discovered this ability and it's fun for me. I always tell him my experiences while Lucid dreaming, na sobrang saya ko dahil nagagawa ko ang mga bagay na hindi ko kayang gawin sa realidad.
Natutuwa ako dahil kahit sa kaunting oras bawat araw, I experienced to escape in reality and make my own world na ako lang ang nakakaalam pero natigil 'yong pagshare ko na sa kanya dahil sa hindi inaasahang pangyayari.
Mamasyal sana kami dahil free time namin lahat that time, rest day namin noon sa school kaya wala kaming pasok at rest day din nila Mom and Dad kaya nagdecide ako na mamasyal kami. I was about to wake up him because I am so excited to share my experience pero nang ginising ko siya, hindi agad siya nagising. That day, nagtaka ako. I feel that something strange, something different because he is the type of person that when he hears a noise, even just a little noise he will easily wake up but that time...
"DAD!" Kinikiliti ko na siya, niyuyugyog at kung anu-ano ng acts of panggigising ang ginawa ko like I usually do pero ayaw niya magising. Napakalakas din ng hilik niya which is hindi naman talaga siya usually humihilik, doon na ako nagsimulang magpanic.
Tumakbo at nanginginig akong pumasok sa kwarto ni mom to tell what's happening to dad, idinala agad siya sa hospital that time at wala naman something na nakita sa kanya at hindi malaman kung ano ang ikinamatay niya.
"Paano nangyari 'yon? Nagtatawanan pa kami kagabi bago matulog ng asawa ko," naguguluhang tanong ni Mom, hindi matigil ang pagpatak ng kaniyang luha, para siyang nawalan ng lakas.
Habang ako niyayakap ni kuya at parehas na rin kami umiiyak dahil sa mabilis na pangyayari na kailanman hindi namin inaasahan. "I'm sorry Mrs. Gonzales but even us, nagtataka kung ano nangyari sa kanya. He's healthy sa totoo lang, it's weird. Ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong pasyente,"
"Parang awa niyo na, gawin niyo lahat. Buhayin niyo ang asawa ko" halos lumuhod na si Mom doon sa doktor sa sobrang pagmamakaawa.
"Pasensya na Mrs.Gonzales, we did our best but..."
At doon lang ako sinampal ng realidad na wala na siya at hindi ko na muling masisilayan ang mga ngiti niya.
Anong nangyari sa kanya? Bakit na lang siya nawala ng ganun-ganun na lang? Ayan ang katungan ko sa mga oras na 'yon.
Biglang gumuho ang mundo ko, sobrang bilis ng pangyayari. Parang kailan lang ang saya namin nagkekwentuhan at nabibiruan tapos sa isang iglap, wala na siya.
Araw- araw akong umiiyak no'n hanggang sa magsawa at tanging sakit na lang ang nararamdaman ko, nawawalan na rin ako ng gana sa pagkain, feeling ko may galit sa amin ang mundo at wala ng paraan para sumaya and it sucks.
Hanggang sa nilibang ko na lang ang sarili ko para 'di na malungkot, sa tulong ni Michelle na tanging naging kaibigan ko, ni mom and kuya tj, unti-unti nababawasan yung lungkot, unti-unting gumagaan ang pakiramdam ko.
Isang araw, napagpasyahan ko maglinis na lang ng kwarto ko which is lagi naming ginagawa ni Dad dalawa. While cleaning, I opened my small cabinet para sana ayusin yung mga nakalagay doon dahil sobrang gulo nito at may mga kalat pa at makapal na ang mga alikabok. Napatigil ako nang may nakita akong isang short purple envelope na hindi ko alam kung kanino.
Kunot noo kong binuksan yung envelope and I saw a letter from dad at may kasama itong school brochure. Dahil sa matinding kuriosidad na bumalot sa isip ko, hindi na ako nagdalawang isip na basahin ito.
My daughter, Lily! kung dumating sa punto na hindi na ako magising. Huwag kang malungkot dahil masaya na ako na ligtas ka, safe kayong lahat at masaya mong nacocontrol ang iyong panaginip. Huwag kang malungkot kung wala ka ng mapagkwekwentuhan ng mga panaginip mo, dahil may isang school para sa mga katulad mo, natin. I suggest you to study in this school, para hindi ka na malungkot at may mapagkwentuhan ka pa rin. Isa pa marami ka pang dapat malaman as a Lucid dreamer, may kailangan kang malaman at sa Crescent High mo lang malalaman ang lahat. May isinama rin akong brochure and this brochure, ingatan mo ito, Lily. Don't tell it to your mom or sa kuya TJ mo, mas mabuting wala silang alam sa kakayahan natin para di na sila maging involve. I want you to keep always safe, mahal na mahal kita anak always remember that.
Naramdaman ko na may tumulo na mainit na likido mula sa aking mata na mabilis kong pinunasan, he knew that anytime something will happen to him, na hindi na siya magigising.
But how did he know about it? I'm extremely curious.
May kirot pa rin sa puso ko na hindi ko matanggap na wala na siya. It's been two years pero malinaw pa rin sa alalala ko ang lahat. At sana mahanap ko ang kasagutan na gumugulo sa isip ko, sa nangyari kay dad kung saan ay kakaiba at mahirap ipaliwanag.
"Nandito na tayo mga ma'am." sabi ni kuya Rod, driver nila Michelle na naghatid saamin. Hininto niya ang kotse sa gilid.
Kay tagal kong naghintay na makapunta dito.
This is it.