Chapter 2 - Tour

1556 Words
Lily's Pov BAGO ko gisingin si Michelle, itinago ko muna yung letter ni Dad para saakin. Wala akong pinagsabihan patungkol dito, ako lang ang nakakaalam. "Michelle, wake up!" pinitik ko yung ilong niya ng malakas dahilan para magulat siya at magising. Tulog mantika talaga 'to matulog. Natawa ako ng bahagya ng mapapitlag siya. "Aray naman, kailangan mamitik?" reklamo niya saakin. “I need to do that or else hindi ka magigising. Mag-ayos ka na” natatawa kong sabi sa kaniya. Uminat-inat siya at nag-ayos bago kami lumabas ng kotse. Medyo sumakit din ang pwet ko sa dalawang oras na biyahe. "Salamat po sa paghatid, Mang Rod. Ingat sa pagbalik" nagpaalam na kami sa kanya, iwinave lang niya ang kaniyang kaliwang kamay at pinagmasdan ang papaalis na kotse. Tumingin kami sa paligid. "Teka, nasaan ang school dito?" tanong ko. I don't see any school here. Puro mga kabahayan, tindahan at iba pang establishment lang ang nakikita ko. "Wait ka lang friend, on the way na raw si Ms. Martinez" I just nod. Mga ilang minuto pa ang lumipas at may isang purple na kotse ang huminto sa harap namin. Lumabas dito ang isang maputing babae na simple lang ang kasuotan pero nagmukha pa ring elegante. She is wearing a simple red dress. Ang ganda ng suot niyang sapatos na mataas at may makapal na takong na tumunog pa ng itapak niya ito sa lupa. Pumunta siya sa direksyon namin. "What are you waiting for? Let's go girls" she smiled at us at kinuha ng mga guard ang mga maleta namin para ilagay sa likod. Ito ang unang pagkakataon na makita namin siya, sa video call lang namin siya nameet no'ng nagenroll kami. Tumitingin-tingin ako sa dinadaanan namin, "I thought, pagkarating po namin sa lugar na nasa map. Nandoon na mismo ang school, saan po ba nakalocate ito talaga?" "Hindi talaga binibigay sa students ang exact location dahil wala dapat makaalam nito bukod sa mga katulad natin. Malalaman niyo mamaya kung saan" pagpapaliwanag niya habang hindi inaalis ang tingin sa daan. Wala ngang nakakaalam nito maliban sa mga nag-aaral sa school na 'yon, hindi mo rin kasi ito makikita na nakapaskil sa mga pader, wala rin silang social media accounts o website man lang. Lumipas ang ilang minuto, pumasok kami sa isang Subdivision na ikinakunot ng noo ko. Anong ginagawa namin dito? Mukhang nacurious rin si Michelle kaya tinanong niya si Ms. Martinez about this. "Ang may-ari ng subdivision na ito ay ang may-ari din ng Crescent High, he decided to build a school here inside but in the most secret place of this subdivision na hindi alam ng ibang tao na nakatira dito at tayo lang ang dapat makaalalam or else..." she said at napatigil siya sa pagsasalita. "Or else what po?" curious kong tanong. "Ahh, w-wala. Hehe" sabi niya saamin, tinignan ko siya ng mabuti. Ano ang dapat sasabihin niya? Maya-maya pumasok kami sa isang madilim na lugar, tanging yung ilaw ng kotse lang ang nagbibigay liwanag sa paligid. It's probably the secret place ng subdivision. Nang makalagpas kami, niliko niya yung kotse at itinigil nito sa tapat ng isang mataas na purple gate. WELCOME TO CRESCENT HIGH. 'Yan ang unang natignan ng mga mata ko nang makababa kami sa kotse, nakalagay ito sa pinakatuktok ng gate. Sa malaking purple gate pa lang nito nakikita na agad ang pinakatuktok na bahagi ng mga buildings. Ibinigay na ulit saamin ang maleta na dala-dala namin at nagsimulang maglakad papalapit sa gate. Napansin ko na may mga estudyante na rin na nakapila. Mukhang naghihintay pa na sumapit ang call time. Napatingin ako sa watch ko at isang minuto na lang bago mag alas diyes ng umaga. "Packening shocks, school ba itong napuntahan natin? Para akong nasa mundo ng mga aliens" tanong saakin ni Michelle, kung anu-ano nanaman ang sinasabi at manghang-mangha sa mga nakikita. May pagpalo pa sa braso ko at minsan ay naitutulak pa ako na hindi ko na lang pinansin. Pagkarating namin sa gate, pumila kami sa pinaka last. Medyo marami rin pa lang mga new students at transferees for this school year. Napapansin ko sa mukha ng iba yung excitement. Yung iba hindi na makapaghintay at halos mabali na ang leeg kakatingin sa itaas at masilayan ang loob ng school. "Good day, students" narinig naming saad ng isang guard, may hawak-hawak na megaphone na ginagamit niya para marinig naming lahat. Tumahimik ang bawat isa sa amin at umayos ng pila. "All of you are complete now, please show your school brochure and give it to me. Hindi kayo makakapasok 'pag wala kayo niyan because that's the only way for you to prove that you belong in this school. Maliwanag ba sa lahat?" sabi ng isang guard. Kinuha ko na sa bulsa ko ang school brochure na ibinigay saakin ni Dad kasama ng letter niya. Maingat ko itong ibinuklat dahil medyo luma na at baka mapunit. "Where's yours?" sabi ng isang lalaking guard saakin at inabot ko na ito sa kanya. Napansin ko na tinignan niya ako mula ulo hanggang paa kaya nagtataka ko siyang tinignan at hindi maiwasang mapatanong. "Bakit ho?" Sandali siyang napaiwas ng tingin. "Wala, n-ngulat lang ako sa tangkad mo" nauutal niyang saad at pinapasok na niya ako sa loob. Sandali akong tumitig sa kaniya, why is he act so weirdly? Pagpasok ko sa loob, doon na namin tuluyan nakita ng buo ang mga naglalakihang mga buildings. Purple ang kulay nito at hindi ko man aminin, maganda nga ang loob ng school at hindi maitatanggi ang lawak. Habang naglalakad kami, muli nanaman akong itinulak ni Michelle dahil sa saya. "s**t, ang ganda. Hindi naman ako naglulucid dream 'no?" hindi makapaniwalang saad niya na kinukurot-kurot pa ang sarili. "Waaaah, it's all true. Shocks" tulak nanaman niya. Napapikit ako ng mata, required bang manulak 'pag masaya at namamangha? "Totoo ba itong nakikita ko?" "This is insane, very fantastic" Naririnig ko na mga reaksyon ng ibang mga students na tila halos magwala na ang iba. Habang tumatagal, umiingay ang paligid. Kung titignan mo, hindi mo siya mapagkakamalan na isang paaralan sa labas, it's more like a sudivision na naglalaman ng malalaking bahay pero nang makapasok ako sa loob, I feel like I came in a different world. Pero hindi ako nagpunta dito para mamangha. Hindi na mahalaga kung gaano kaganda ito, ang mas importante ay mahanap ang mga kasagutan ko. "SINO NAGSABI SA INYO NA MAY KARAPATAN KAYONG MAG-INGAY?" Isang sigaw ang pinakawalan ng isang matandang lalaki na ito dahilan para matahimik ang lahat. Sa tindig niya, mukhang terror teacher siya na kakatakutan ng mga estudyante. Seryoso niya kaming tinignan habang nakakrus ang mga braso. "Sige lang, lubusin niyo lang ang mga masasayang araw niyo dahil sa mga susunod hindi niyo na yan magagawa" Tumaas ang kilay ko sa mga sinabi niya, what does he trying to convey? Ganito ba niya iwewelcome ang mga bagong students? Sungitan? Takutin? What the heck. "Sungit naman ni tanda" bulong saakin ni Michelle, muntik na ako matawa sa kaniya. Siniko ko siya. "Huwag kang maingay, napakaloko mo talaga kahit kailan" "Bakit totoo naman, problema ba niyan? Badtrip, panira ng moment." "MR. DELUBYO!" Binasag ng isang lalaki ang katahimikan na namuo dahil sa lalaking ito, nakangiti siyang naglalakad papunta sa direksyon namin. He is probably also a teacher, medyo bata pa ang mukha niya. Maputi ito at naka t-shirt lamang siya at black pants. Hindi naman kapayatan, hindi rin katabaan, hmm sakto lang. "Mainit nanaman po ang ulo niyo. Hinga ng malalim, kalma. Ako na ang bahala sa kanila" lumapit siya sa masungit na lalaking ito at hinilot hilot yung likod. Wait, anong pangalan ng teacher na ito? Anong tinawag niya sa kaniya? Mr. Delubyo? What a creepy name. "Hindi mainit ang ulo ko, I just want to remind them" sabi pa nito bago tuluyang umalis, sinundan namin siya ng tingin habang papaalis siya. "At kayo mga students, mamaya na kayo maexcite. Magkakaroon naman ng tour mamaya, doon niyo ibuhos ang energy niyo dahil mapapagod kayo. For now, follow me to get your uniform and class schedule" ngumiti siya at sinenyasan kami na sumunod sa kaniya. "Ako nga pala si Stevan Mariano, just call me Mr. Van. Magiging teacher niyo ako sa PE" masiglang sabi niya habang naglalakad, hindi nawawala yung ngiti sa mga labi niya. "Hindi naman sa pagmamayabang, itinuturing nila na ako raw ang pinaka gwapong teacher dito sa Crescent High? What do you think guys?" natatawa niyang sabi saamin at kumindat na ikinatawa ng iba. Hindi naman maitatanggi na may maganda siyang itsura pero parang umihip ang lahat ng hangin saamin dahil sa sinabi niya. "De joke lang, pinapatawa ko lang kayo. Mukhang natakot kayo kanina eh" nagpeace siya saamin. "Buti ka pa sir hindi masungit kaysa doon sa Mr. Delubyo na yun. Hindi yata masaya sa buhay niya" sabi ng isang estudyante na sinakyan ng mga ibang estudyante pero sinuway agad ni Mr. Van. "Huwag kayong maingay, baka marinig niya kayo. Pagpasensyahan niyo na si Mr. Delubyo, may pinagdadaanan lang yung tao. Pero magaling magturo 'yon" Nagpatuloy lang kami sa pagsunod sa kanya at pumasok kami sa isang building. Hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang room. "Pumila kayo at isa-isa lang ang pasok sa loob, are we clear?" saad ni Mr. Van saamin and we all agreed to him. "Okay, enjoy!" sabi niya bago umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD