Lily's Pov
"I like your bravery but can you handle it?" tanong ni Mr. Aguiluz kay Lou.
"Yes, sir. I will do my best, kung makakatulong ito para sa ikakaligtas ng lahat hindi ako magdadalawang isip na gawin ito. We need a massive strength right now and that's one of the way that I can think to make us more stronger," confident na pagkakasabi niya.
She may have a strong personality but you can't change the fact that she also wants to stop this kind of situation. She has a good heart to others.
"but you're still student, may kailangan ka rin dapat pag-aralan," sabi ni Mr. Delubyo.
"Yes, I know my priorities and I know what should I do but I believe with proper using of time, magagawa ko po 'yon,"
Tumango naman sila as they are all agreed to the suggestion of Lou. Sa totoo lang, napahanga niya ako today and I also wanted to volunteer but I am not good as she is.
"I think you can't do it alone, you need a companion," sabi naman ni Ms. Martinez.
Napatigil naman si Lou sandali at maya-maya ay tinuro si Vin na tila nabigla, "Si Vin po, sa aming anim na bagong dream wanderer kami pong dalawang ang may experience na," sabi nito.
"Is it okay with you, Vin?" tanong naman ni Mr. Aguiluz.
Sandali itong natahimik, "Ah, yes sir. Sure,"
"Alright, thanks for your suggestions, Lou. I think we can start also to train them next week and I'll inform all of the teachers regarding that para makapagprepare na rin sila, are we clear?" sabi ni Mr. Aguiluz.
We just all nod on what he said.
And this time, si Ian naman ang nagtaas ng kamay, I expected that he has also suggestions because he used to talk to me about that.
Itinaas niya ang kaniyang kaliwang kamay at tumayo, "What about it, Ian?" tanong ni Mr. Aguiluz sa kaniya.
"No'ng nakaraan we get to know our inconsistencies at isa nga doon ang kakulangan pagdating sa usaping komunikasyon. Nitong mga nakaraang araw nakaisip ako ng isang plano na mas mapapadali yung pagreport nila in case of emergency, actually nagsanib pwersa kami ni Nef for this plan,"
"And what is this, anak?" tanong ni Mr. Jackson tila nahihiwagaan sa kung ano man ang isusuggest nito.
Ian gave them a wide smile before he start to explain his plan, "It's kind of a hard thing and cost a lot of time to do but if we can do this makakatulong talaga siya sa'tin. My idea is we need to make a report emergency app," sabi ni Ian.
Kumunot naman ang noo ng iba, "What do you mean by that, Ian?" tanong ni Ms. Alisah.
"This app is a big help for us to easily know who needs help every day. Makakatulong ito sa kanila para hindi na nila kailangan tumakbo ng malayo para ireport sa'tin kung may nabiktimang isang estudyante.
"Ang kailangan lang nila ay buksan lang nila ang app na ito sa kanilang mga cellphone at ireport kung anong nangyari sa isang biktima, kung anong pangalan, kung anong number ng dorm room at once na nareport na nila ito.
"It will save on our database, doon natin makikita kung sino ang mga nangangailangan ng tulong at maidadala na sila agad sa hospital, mabilis na rin mairereport ito kila Mr. Aguiluz sa Crescent World ng mabilisan,"
Napatango ang iba sa'min tila naamaze sila sa binitiwang suggestion ni Ian ngayon. Even me, ang lawak niya lagi mag-isip at organize na organize.
Kudos to both of them.
"That's a great idea, anak pero kailangan ata nito ng internet connection which is wala tayo dito" sabi ni Mr. Jackson.
"Yes, it is needed. In order to implement it, we need internet connection, hindi po ba pwede?"
"Pwede pero nakakatakot na kapag nagkaroon ng internet connection dito, may makakadiscover ng school natin na mahigpit nating pinagbabawal. Magdudulot ito sa'tin ng panibagong kapahamakan at matrack din tayo ng evil dreamer dito sa real world," sabi naman ni Mr. Aguiluz.
"But there's a way with that," mabilis niyang tugon.
"What?"
"When we will connect to the wifi, our goal is to avoid using social media. Sa pagkakaalam ko po, pwede nating mablock yung access ng iba sa social media. Ang iaallow lang po natin ay yung pag-access nila sa app na gagawin natin," sabi muli ni Ian.
"Is it possible?" tanong ni Mr. Aguiluz, bahagya lang siyang tumango.
"May isa pang problema ukol d'yan," sabi ni Michelle.
Tumingin naman ang lahat sa kaniya, "Hindi lahat ng students dito ay may cellphone," sabi naman ni Michelle.
Sandali namang natahimik ang lahat, Michelle has a point with that.
"I got your point Michelle, pero feeling ko out of 100%, nasa 5% lang wala. Mr. Aguiluz, pwede ka ba magprovide sa mga student na walang cellphone pero... pwede lang nila gamitin ito kapag magrereport lang sila," diretsahang tanong naman ni Ian.
Makikita mo yung fire sa kaniyang mata na gusto niyang maimplement yung naisip nila ni Nef.
Natigilan si Mr. Aguiluz na tila nag-iisip kung papayag ba siya sa sinabi ni Ian at 'di kalaunan ay tumango ito, "Yep, we can do that pero may isa pa akong katanungan. Sino ang gagawa ng app na sinusuggest mo? Mahirap gawin 'to, sino ang may kakayahan na makagawa n'yan?"
Napangiti naman si Ian dahil sa sinabi nito, "si Nef po ang gagawa, he knew how to make an app. Tinuruan daw siya ng tatay niya before," sabi niya.
"Alright, that's a very well suggestion. I am glad that we can manage to make a plan for this meeting. We'll inform you for the next meeting," sabi ni Mr. Aguiluz at mabilis na kaming nagsilabasan lahat.
****
The next day ay pumunta muli kami sa Crescent World.
We hesitated at first dahil sa nangyari saamin no'ng mga nakaraang araw especially ako dahil kinain nanaman ako ng sobrang pag-iisip na baka may humablot nanaman sa'kin at sakalin ako.
Pero wala akong magagawa kung matatakot lang ako, I have to overcome this kind of attitude. Ang dami ng naaapektuhan na iba, kaya hindi dapat kami magpaeasy-easy lang, kailangan namin maging malakas katulad nila.
Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasan tumingin sa paligid. As much as possible, hindi kami naglalayo lahat halos magkakadikit na kami para if ever na may sumulpot na evil dreamer, maililigtas namin ang bawat isa.
Hindi si Mr. Peligro ang kasama namin ngayon dahil nagpasama si Mr. Aguiluz sa kaniya dito rin sa Crescent World, hindi ko alam kung saan sila pupunta pero base sa narinig kong pag-uusap sa kanila ay importante itong pupuntahan nila.
Ang sumama sa'min sa pagtour ay si Mr. Van, Nef is still in recovery kaya 'di pa siya nakakasama. Nasa hospital pa rin siya ngayon at nagpapalakas. Masaya ako dahil kahit papaano ay nagiging okay na rin siya at gumagaling na rin yung mga sugat niya at nakakatawa na rin.
Unlike no'ng mga ibang nabiktima na naligtas na, they are really in trauma. Minsan nagwawala na lang sila kapag may humawak man lang. Yung iba hindi talaga makausap hanggang ngayon.
Hopefully, they'd be okay.
"Papasok po tayo sa building na 'to?" tanong ni Ian nang mapatigil kami sa harapan ng malaking building.
It is like a hotel building, it has lots of windows and probably room.
"Yep," matipid nitong sagot.
"Pero sabi ni Mr. Peligro bawal daw dahil baka may trap na nilagay ang mga evil dreamer dito," sabi naman ni Vin.
"Yeah that's possible but I've been here for a year already. Dito ko rin tinatago ang mga armas na napupulot ko dito sa Crescent World na magagamit din natin para labanan ang mga evil dreamers,"
Nakahinga kami ng maluwag sa sinabi ni Mr. Van, we trusted him. Sumunod kami sa kaniya at binuksan niya ang pinto gamit ang susi as if siya na ang nagmamay-ari nito. Pagkapasok namin ay madilim ang paligid, wala man lang ilaw na magsisilbing liwanag.
"Sir, wala akong makita," sabi ni Michelle at mahigpit na nakayakap sakin.
"Sandali, hintayin niyo ako dito,"
"Sir, huwag mo kaming iwan. Baka may evil dreamer na dumating," natatakot na sabi ni Michelle.
Pero hindi siya pinansin ni Sir, hindi namin alam kung saan pumunta. Sobrang dilim ng paligid at maging ang aming mukha ay hindi na rin namin makita, nangangapa kami ngayon.
Maya-maya nagulat ako nang may humawak sa aking mukha kinakapa-kapa niya ito, "Lily! Ikaw pa ba 'yan? Natatakot ako baka evil dreamer na pala yung katabi ko,"
Napairap ako ng mata at inalis yung mata niya sa mukha ko dahil halos matusok na ang mata ko ng makapal niyang kuko, "Hey stop, walang evil dreamer, okay?" sabi ko na lang.
"Could you please shut up for a while, Michelle. You're not helping, huwag mo kami hawaan ng katakutan mo," inis namang sabi ni Lou.
Maya-maya may natanaw kami na biglang lumiwanag dahil sa apoy at sapat na para makita namin ang paligid at bawat isa.
"Teka ano 'yon?" tanong ko.
Napahawak kami ng mahigpit sa sarili. Simula nang mangyari yung kagabi mas naging aware na kami, "I guess it's just Mr. Van," kalmadong sabi ni Vin.
"We are not sure, we have to prepare ourselves," sabi naman ni Ian.
Pinapalit agad ako ni Ian sa kaniyang pwesto at dahil doon ay nasa likod na ako, kaming tatlong babae. Nasa kaliwang side ako, si Michelle ay nasa gitna samantalang si Lou naman ay nasa kanang side. Nasa unahan naman yung dalawang lalaki at hinanda nila ang sarili nila if ever. Hindi ko maiwasang matakot, nanginginig ang mga kamay ko.
Ang bilis ng bawat paghinga ko.
"Sino yung narinig kong nag-aaway kanina?"
Para akong nabunutan ng hininga nang marinig ko ang boses ni Mr. Van, I am so thankful that it's not an evil dreamer. Grabe yung nerbyos ko these past few days.
"Oh ba't ganyan yung mukha niyo?" nagtatakang tanong niya sa'kin at inabot sa'min ang tig-iisang lampara na sinindihan niya.
"We thought that you're an evil dreamer," matipid na sagot ni Lou.
He just nod, "Don't worry guys, I locked all of the doors and windows in this building. Hindi sila makakapasok," sabi ni Mr. Van.
"But sir, they can teleport. Hindi tayo dapat magpakampante," sabi ko na kinantyawan naman ng iba.
"Yes, sir. Hindi ba kayo aware talaga tungkol doon?" tanong ni Ian.
Umiling si Mr. Van, "This is really new for us, sure ba kayo sa nakita niyo?"
"I am a hundred percent sure sir, nakita siya ng dalawang mata ko." sabi ko naman.
"If that's true, it's very alarming for us because they will easily defeat us through this," sabi ni Mr. Van.
Natahimik kaming lahat at siya na ang nagbasag ng katahimikan na bumalot sa buong building na ito, "Anyway, hindi lang tayo naparito para itour kayo. We are here to train you also a new skills," sabi ni Mr. Van.