Ginising na ni Easton ang dalaga para makakain muna ito. Pero hindi niya magising si Eli, lalong tumataas ang lagnat ng dalaga. "Eli, wake-up kumain ka muna mamaya nandito na si Doctora." Inalog niya ang dalaga pero hindi pa rin ito nagmumulat ng mata. "Felicity, wake-up." Pasigaw na niyang tawag kay Felicity, inilagay ni Easton ang kanyang kamay sa bibig ng dalaga. Humihinga pa ito kaya muli niyang inalog para magising. Pero hindi pa rin magising ang dalaga, napamura na siya ng malutong sa kanyang isipan. "Felicity! Naririnig mo ba ako?" Muling tawag niya sa dalaga. "Fvck imulat mo ang iyong mga mata!!" Dagdag na sigaw nito, lalo siyang kinabahan dahil nanginginig na ang buong katawan ni Eli. Tumabi siya sa dalaga at niyakap ng mahigpit, Wake up please Felicity hindi ko na alam ang a

