Seryosong nakatingin sa dalawang lalaki si Aubree, nakipagkita siya dahil may gusto itong ipagawa. "Kamusta ang pagmamanman niyo kay Felicity?" Malamig niya na tanong sa dalawang lalaki. "Hindi na siya umuuwi sa apartment muling , may sumusundo rin sa kanya at sa hotel ito nakatira." Seryoso na balita niya kay Aubree, alam na agad ng dalaga kung sino yung tinutukoy niyang sumusundo kay Eli. Lalo siyang nakaramdam ng galit dahil todo bakod siya kay Eli, samantalang noong sila pa ni Easton lagi itong busy hindi man lang masundo. "Magbago tayo ng plano, mahihirapan kayo dyan dahil siguradong bantay sarado na niya si Felicity." Nagkatinginan ang dalawang lalaki saka tumango. "Ano ang bagong magiging plano?" Sabay nilang tanong, ngumisi naman si Aubree dahil mukhang excited ang dalawa. "Ki

