Lumapit si Aubree kay Easton, dahil nakakahiya sa mga bisita ang ginagawa niya. "Ano ba hayaan muna kasi siya! Ganyan talaga kapag mahilig sa mayayaman!!" Nagpantig ang tenga ng dalaga dahil sa sinabi ni Aubree. Kinuha ng dalaga yung hawak ni Bobby na baso at ibinuhos kay Aubree yung laman nitong alak. Nagulat ang lahat sa ginawa ni Eli, maging si Easton. "Wala ka ng ibang ginawa kundi insultuhin ako, akala mo namang kung sinong malinis ka!" Seryoso niyang sagot kay Aubree. "Mayaman ka ngang tao, pero yang ugali mo ubod ng sama. Why don't you use your wealth to be polite? Despite your wealth, you are not respected." Prangka na dagdag niya, lalong nanggalaiti sa galit si Aubree. "Mr. Harward, pasensya na po kayo pero kailangan ko ng umalis hindi ako nababagay sa ganitong party." Paalam n

