Napabalikwas ng bangon si Felicity, napadaing siya dahil masakit yung paa niya. Nagulat ang dalaga dahil iba ang suot niyang damit. Teka si Easton ba ang nagpalit ng damit ko? Tanong ng dalaga sa kanyang isipan, tinignan ni Eli ang katabi niya. Si Easton tulog pa rin ito, gusto niyang pumunta sa banyo pero nahihirapan siya dahil sa paa niya. Huminga na lang ulit ang dalaga saka bumuntong-hininga. Nagmulat naman ng mata si Easton, kanina pa siya gising pinakikiramdaman niya lang ang dalaga. "May problema ba?" Halos pabulong niya na tanong, nagulat naman ang dalaga dahil akala niya'y tulog pa rin si Easton. "Masakit parin yung paa mo?" Muling tanong niya sa dalaga, umiling si Eli bago nagsalita. "Oo, gusto kong pumunta sa banyo pero hindi ako makalakad." Sagot niya sa binata, bumangon

