Maagang nagising si Easton, at sabay silang nag-almusal ni Mr. Murray. Iba't ibang pagkain na naman ang inihain sa mesa. Nahihiya ang ginoo sa binata kaya nagpakuha pa ito sa Maynila para bumili ng mga ihahandang pagkain ni Easton. “Easton, hindi kita masasamahan papunta kay Eli ngayong araw. Dahil kailangang naming mag-imbak ng pagkain dahil parating na ang taglamig.” Aniya sa binata, kada taon nila itong ginagawa para hindi sila magutom. Dahil ilaw buwan din kasing taglamig dito sa mundo nila. “Walang problema Mr. Murray, nandyan naman si Manang para samahan ako.” Magalang na sagot ni Easton, nagpaalam na ang ginoo dahil kailangan na nilang umalis. Kumilos na si Easton, dumiretso sa siya dalaga. Pagdating sa batis, nakita nila ang tatlong babae na marahang inaalagaan ang walang buhay

