Pagdating nila sa bahay kung saan nakatira ang ama ni Felicity. Inasikaso ng ginang si Easton, pinaghanda niya ito ng makakain sakto namang nakaramdam ng gutom ang binata. “Huwag kang mahiya Sir Easton, kumain ka ng marami pagkatapos mo ay ihahatid kita sa silid aklatan.” Nakangiting sabi ng ginang tumango naman si Easton. “Manang, kailan magigising si Eli?” Tanong niya hindi siya pwedeng magtagal dito dahil maraming trabaho ang naghihintay sa kanya. “Walang kasiguraduhan Sir Easton, dahil maraming dugo yung nawala sa kanya at isa pa mahina na talaga ang kanyang katawan. Naalala mo nung naging sakitin siya, iyon ang simula ng panghihina sa kanyang katawan.” Paliwanag niya sa binata, napabuntong-hininga naman si Easton. “Alam kong may naiwan kang tungkol sa mundo niyo at hindi mo pweden

