Gaya ng plano ni Easton na pumunta sa presinto, talaga nag-punta ang binata. Sinalubong siya ng bayaw ni Mr. Flores, ihatid kung saan sila mag-uusap ni Aubree. “Maupo ka Mr. Harrison, kukunin ko lang si Miss Walker.” Aniya bago ituro ang upuan at lumabas na. Nagtungo siya sa kulungan ni Aubree, napatayo naman ang dalaga nang makitang merong pulis. “May dalaw ka!” Malamig na sabi ng binatilyo, bago binuksan ang pinto pinauna niyang lumakad si Aubree nang makalabas ito sa kanyang selda. Buong akala ng dalaga ay ang kanyang ama yung bumisita, dahil alam niyang hindi siya matitiis nito. Ngiting-ngiti siya habang naglalakad, pagdating nila ay kumatok ang binatilyong pulis bago binuksan ying pinto. Nawala ang ngiti ni Aubree nang makita kung sino’ng kanyang bisita. Walang iba kundi si Easto

