``` Ang matapang na hakbang na ginawa ng bayaw ni Mr. Flores ay muling pag buhay sa imbestigasyon sa pagpatay sa ina ni Easton. Talagang hinahanap ng binatilyong pulis ang kaso, matagal na rin kasi niyang pinag-aaralan ang nangyaring krimen. Iyon kasi yung kahilingan ni Mr. Flores sa kanya, kahit noong nag-aaral palang siya. As they made their way to the Walker residence, dala yung warrant of arrest, kasama ng binata ang kanyang team. Ang security guard ng pamilyang Walker ay na nagulat sa kanilang presensya. Pinakita ng binatilyong Pulis ang hawak niyang warrant of arrest. “Nandito kami upang hulihin Aubree Walker; dapat niyang pagbayaran ang kanyang nagawang krimen.” Seryoso na sabi nito, walang nagawa ang dalawang security guard kundi buksan yung gate. Agad na pinalibutan ng ibang

