`` Gaya ng naging usapan nila ni Mr. Flores, sa kumpanya sila nagkita para walang ibang makakita sa kanilang dalawa. Ibinigay ng binata ang voice record, kopya iyon ng mga binanggit ni Aubree kanina. Kung kinakailangan niyang maging testigo ay gagawin niya ito para lang makulong ng tuluyang si Aubree. “Mr. Flores, ibigay mo yan sa kakilala mong pulis ikaw na ang bahala.” Malamig na utos ni Easton sa ginoo, kinuha naman niya agad ito. “Ako na ang bahala Sir Harrison, I’ll make sure mabubulok sa kulungan si Aubree.” Magalang na sagot ng ginoo, tumango naman si Easton bago umupo sa kanyang swivel chair. “Ikaw ang aasahan ko pagdating dyan, pero meron pa akong isang ipapagawa sayo. Tungkol ito restaurants, alam kong si Eli ang bumili ng mga ito at siya yung tumulong dito sa kumpanya. Gust

